ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Hate crime? Ang kaso ni Jonald Ramos, tampok sa 'Imbestigador'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
“HATE CRIME?” ANG KASO NI JONALD RAMOS
OCTOBER 18, 2014
pagkatapos ng Star Talk at bago ang 24 Oras Weekend 
 
Nagtamo ng labing-walong saksak at plinantsa ang dibdib at ari. Sa loob ng sarili niyang silid, bangkay nang natagpuan ang 43 taong gulang na si Jonald Ramos, isang Information Technology (IT) manager. Nawala rin ang pera, alahas, at gadgets ng biktima na nagkakahalaga ng tatlong daang libong piso.

Dalawang kahina-hinalang lalaki ang nahagip ng closed-circuit television o CCTV ng condominium. Bandang 11:47 ng gabi noong Setyembre 29, nakitang pumasok ang dalawa sa building. Nakasuot ng asul na polo shirt ang tinawag ng pulisya na si alyas “Pogi.” Nakasuot naman ng puting long sleeves ang binansagang alyas “Boy Porma.” Makalipas ang dalawang oras, nakunang lumabas ng gusali ang dalawa at iba na ang kanilang mga suot. Pero naiwan sa crime scene maging ang unang damit na suot ng dalawang suspek.
“Hate crime” nga bang maituturing ang kaso ni Jonald Ramos?
 
Alamin ang buong detalye sa Imbestigador sa darating na Sabado, October 18, pagkatapos ng Star Talk at bago ang 24 Oras Weekend.