ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
The Jeffrey 'Jennifer' Laude Murder sa 'Imbestigador'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
THE JEFFREY “JENNIFER” LAUDE MURDER
October 25, 2014
pagkatapos ng Star Talk at bago ang 24 Oras Weekend
Taong 2012 nang magkakilala sina Jeffrey “Jennifer” Laude at ang German na si Marc Sueselbeck. Sa sandaling panahon na sila ay nagkasama, naging sigurado na raw ang pag-ibig nila sa isa’t isa. Sa Marso sa susunod na taon, plano na sanang magpakasal ng dalawa. Pero sa pagbabalik ng Pilipinas ni Marc, bangkay na niyang nadatnan ang kasintahan.


May mga sugat sa mukha, leeg at braso at nakasubsob sa inidoro. Ganito ang malagim na pagtatapos ng buhay ng dalawampu’t anim na taong gulang na si Jeffrey “Jennifer” Laude, isang transgender. Ang itinuturong suspek, isang sundalong Amerikano – ang US Marine na si Private First Class Joseph Scott Pemberton.
Maigawad nga kaya ang katarungan sa pagpaslang sa kanya?
Huwag palagpasin ang Imbestigador, ngayong Sabado pagkatapos ng Startalk at bago ang 24 Oras Weekend.
More Videos
Most Popular