ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kaso ng panggagahasa sa dalawang menor-de-edad, sisiyasatin sa 'Imbestigador'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
BEST PUBLIC SERVICE PROGRAM
2015 UMALOHOKJUAN AWARDS, LYCEUM OF THE PHILIPPINES UNIVERSITY-MANILA
 
CIRCLE OF EXCELLENCE FOR INVESTIGATIVE JOURNALISM PROGRAM AND HOST
2015 NWSU  STUDENT CHOICE AWARDS FOR RADIO AND TELEVISION
 
BEST INVESTIGATIVE PROGRAM
2015 PARAGALA AWARDS

“MENOR”
March 21, 2015
pagkatapos ng Startalk at bago ang 24 Oras Weekend


 
Katorse anyos si “Leslie”. Sa murang edad, siya’y nagdalang-tao. At ang sanggol sa kaniyang sinapupunan, bunga ng mapait na karanasan.
 
Paulit ulit na pinagsamantalahan si “Leslie”. Pilit niyang itinago ang ginawang pagyurak sa kaniyang kamusmusan. Naging tikom ang kaniyang bibig sa paglapastangang naranasan. Pero walang lihim na hindi nabubunyag. Paunti-unting nagbago ang kaniyang pangangatawan. At lumobo ang kaniyang tiyan. Hanggang isiwalat ni “Leslie” ang isang rebelasyon. Biktima siya ng pang-aabuso ng isang taong malapit sa kaniya.
 
Hindi nag-iisa si “Leslie”. Sa isang bahay malapit sa kanilang tirahan, isang kinyes anyos na dalagita rin ang sumigaw ng katarungan. Maging siya ay biktima rin ng panggagahasa. At ang itinuturong salarin sa parehong kaso – iisang tao lamang!
 
Sino ang taong responsible sa sinapit ng parehong biktima? Managot kaya sa batas ang itinuturong salarin?