ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Filth
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on June 30, 2007 Saturday night after Kapuso Mo, Jessica Soho Brace yourselves for stories that may turn your stomach. Filthy trash! Human blood is scooped up like water, placenta and innards are picked up without gloves, children scavenge through used diapers â these are the scenes Imbestigador witnessed in Metro Cebu. Open garbage trucks transport hospital waste, as slime drips into the streets, and these are then disposed in a public dumpsite near a residential area. Scavengers go through hospital waste unmindful of the health risks. Imbestigador, led by host Mike Enriquez, exposes filthy garbage in Metro Cebu. Filthy water! Are you sure that water refilling stations in Metro Manila sell clean water? Imbestigador finds that some shops donât. While filling water containers, some attendants do so without gloves or hairnets and they also lay their hands on money, their mouths and noses, and a host of different things. Imbestigador alerts authorities to these water refilling stations that donât meet the cut. Filthy food Find out too if your favorite longganisa or chicharon was prepared in unhygienic conditions. The program finds that sweat, dirt, trash, spoiled meat, overused cooking oil, and others make it as âingredients" in these food products. Imbestigador tries to find out how people can make sure their food is safe. Watch these Imbestigador stories on Saturday night after Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA-7.
Mga kuwentong kadiri! Mga Kapuso, tibayin ninyo ang inyong mga sikmura na huwag bumaligtad kapag napanood ninyo ang pambibistong gagawin ng Imbestigador ngayong Sabado. Kadiring basura! Ang unang pasabog na kuwento: sinasalok ang dugo ng tao na parang tubig... ang plasenta at laman ng tao dinadampot lang ng mga kamay na walang gwantes⦠ang mga maruruming diaper, gasa at hiringgilya kinakalkal ng mga bata -- ito ang kadiring nasaksihan ng Imbestigador sa Metro Cebu! Mula sa mga ospital, hinahakot ng mga basurero ang mga hospital wastes sakay ng dump truck na bukas ang itaas. Tumutulo-tulo pa sa kalsada ang mga nakakadiring dumi! Idinidiretso ang mga ito sa pampublikong dump site na malapit sa mga kabahayan. Ang mga mag-babasura walang habas sa pagkalkal at paghawak ng mga itinapong hospital wastes. Alamin ang peligro sa tao at paglabag sa batas ng mga ospital na nagtatapon nito. Kadiring tubig! Sigurado ka ba sa kalinisan ng tubig na binibili mo sa mga water refiling station dito sa Metro Manila? Alamin kung kabilang sila sa mga nabisto ng Imbestigador na dugyot na tubigan! Bistado ang mga nagsasalin ng tubig na walang gwantes at hairnet. Humahawak rin ang mga nagtitinda sa tubig, pera, bibig, ilong at kung saan-saan pa. At ang mga gamit nilang mga pamunas kung saan-saan muna ipinapahid. Mapapasara kaya sila ng otoridad at Imbestigador? Kadiring pagkain! Tutukan din kung ang paborito ninyong longganisa at chicharon ay galing sa mga pagawaang pangunahing ingredients ang kadugyutan â may pawis, libag, basura, lumang karne, langaw, nanggigitatang mantika at kung anu-ano pang kakaibang âsangkap". Paano nga ba tayo makasisigurong ligtas tayo sa mga sakit na dulot ng mga kadiri at peligrosong gawain ng ilan nating mga kababayan? Abangan ang mga kuwentong ito sa espesyal na pagtatanghal ni Mike Enriquez sa Imbestigador ngayong ika-30 ng Hunyo, Sabado ng gabi pagkatapos ng Kapuso Mo Jessica Soho, sa GMA-7.

Tags: imbestigador, hospitalwaste
More Videos
Most Popular