ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Kaso ng 6-anyos na batang ginahasa at pinatay, sisiyasatin sa 'Imbestigador'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
SAIS ANYOS, PINATAY AT GINAHASA!
Imbestigador
Sabado, Mayo 16
Sabado, Mayo 16
pagkatapos ng Startalk, bago ang 24 Oras Weekend

Anim na taong gulang lamang ang batang si “Sofia," ang tanging babaeng anak ng mag-asawang “Eddie” at “Josie”.
Excited ang bata sa nakatakdang swimming ng pamilya. Isang araw bago ang kanilang bakasyon, sinukat pa niya ang kanyang paboritong swimsuit. Matapos nito, lumabas siya ng bahay para maglaro.
Pero hindi na nahintay ni “Sofia” ang “outing” ng pamilya. Ilang oras ang nakalipas nang huli siyang nakitang buhay, natagpuan siya sa isang masukal na bukid. Naka-swimsuit pa rin ang bata, pero nakahandusay at wala nang buhay. Nakatali ang kanyang mga kamay, duguan ang mukha at wala ring saplot pang-ibaba.




Sa pagganap nina Maureen Larrazabal at Dion Ignacio, sundan ang malagim na kuwento na sinapit ni “Sofia." Paano nauwi sa karahasan ang buhay ng batang walang muwang? Sino ang may kagagawan sa karumdal-dumal na panggagahasa at pagpaslang?




Huwag palalampasin ang Imbestigador ngayong Sabado, May 16, pagkatapos ng Startalk at bago ang 24 Oras Weekend sa GMA!
More Videos
Most Popular