ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kaso ng 8-anyos na batang pinugutan, sisiyasatin ng 'Imbestigador'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Imbestigador
Sabado, Hunyo 13
pagkatapos ng Startalk at bago ang 24 Oras Weekend




Siya si “Kokey,” siyam na taong gulang. Kasalukuyang nasa ikalawang baitang sa eskuwela. Makulit at malambing na bata si “Kokey”.
 
 
Madali rin daw siyang utusan kaya madalas siya ay napag-uutusan maging ng mga kakilala ng kanyang ama. Pero ito pala ang magiging mitsa ng buhay ng kawawang paslit.
 
Sa ilog, natagpuang palutang-lutang ang kanyang katawan. Hanggang nakita rin ang ulo niyang pinugutan.

 
Sa pagganap nina Pen Medina, Dennis Padilla at Joshua Uy, sundan kung paano nauwi sa malagim na trahedya ang kapalaran ng batang si “Kokey”. Sino ang pumatay sa bata? Bakit niya pinaslang si “Kokey”?
 
Malalaman na ang mga kasagutan sa Imbestigador ngayong Sabado, pagkatapos ng Startalk at bago ang 24 Oras Weekend sa GMA!