ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kaso ng dalagang ginahasa at pinaslang, bubusisiin ng 'Imbestigador' ngayong Sabado


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


“MIMI”
June 27, 2015 pagkatapos ng Startalk, bago ang 24 Oras Weekend
Sa pagganap nina Elijah Alejo, Lovely Rivero, Carl Guevarra at Bryan Benedict
 
May taglay na ‘di pangkaraniwang kondisyon ang onse anyos na si Mimi. Ayon sa kanyang ina, tila nahuhuli ang pag-iisip ng anak sa kanyang edad. Kaya naman mala-prinsesa ang turing ng pamilya sa bunsong si Mimi.  Pero sa kabila ng taglay niyang kalagayan, nakagigimbal ang sinapit ng bata dahil naging biktima siya ng karumal-dumal na krimen!
 
Sa isang liblib na kakahuyan, natagpuang may busal siya sa bibig at nakatali ang mga kamay. Si Mimi - sinakal, ginahasa, pinaslang. 
 
Sa pagganap ng Kapuso child actress na si Elijah Alejo, Lovely Rivero, Carl Guevarra at Bryan Benedict, sundan ang mapait na kuwento ng batang si Mimi.
 
Sino ang nasa likod ng walang awang sinapit ng bata? Mabigyang hustisya kaya ang kalunos-lunos na sinapit ng walang muwang na paslit?
 
Huwag palagpasin ang Imbestigador ngayong Sabado, June 27 pagkatapos ng Startalk at bago ang 24 Oras Weekend sa GMA.