advertisement
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Hustisya para kay Mimi: The Bacoor, Cavite rape-slay case


Ang kuwentong ito ay unang itinampok sa "Imbestigador". Ang mga larawang ginamit ay halaw sa pagsasadula ng kaso. Napapanood ang "Imbestigador" tuwing Sabado ng hapon, 4:45 PM, pagkatapos ng Startalk. I-like ang official Facebook page ng Imbestigador at sundan ang Twitter account nito para sa updates.

Bisitahin din ang archives nito para sa iba pang kuwento ng mga kasong tinalakay sa programa.

More from: http://www.gmanetwork.com/news/story/497130/publicaffairs/imbestigador/madugong-bagong-taon-ang-kaso-ng-ginang-na-inakusahang-mangkukulam
Ang kuwentong ito ay unang itinampok sa "Imbestigador". Ang mga larawang ginamit ay halaw sa pagsasadula ng kaso. Mapapanood ang "Imbestigador" tuwing Sabado ng hapon, 4:45 PM, pagkatapos ng Startalk. I-like ang official Facebook page ng Imbestigador at sundan ang Twitter account nito para sa updates.

Bisitahin din ang archives nito para sa iba pang kuwento ng mga kasong tinalakay sa programa.
Ang kuwentong ito ay unang itinampok sa "Imbestigador". Ang mga larawang ginamit ay halaw sa pagsasadula ng kaso. Napapanood ang "Imbestigador" tuwing Sabado ng hapon, 4:45 PM, pagkatapos ng Startalk. I-like ang official Facebook page ng Imbestigador at sundan ang Twitter account nito para sa updates.

Bisitahin din ang archives nito para sa iba pang kuwento ng mga kasong tinalakay sa programa.

More from: http://www.gmanetwork.com/news/story/497130/publicaffairs/imbestigador/madugong-bagong-taon-ang-kaso-ng-ginang-na-inakusahang-mangkukulam




Sa kabila ng kapansanan sa pag-iisip, itinuturing na prinsesa ng kanilang tahanan ang 11-anyos na si Remie Palmero o Mimi.

“Kapag kakausapin mo siya, hirap siyang umintindi. Hirap din niyang bigkasin ang mga salita, kahit ang pagkanta ng ‘Lupang Hinirang,’” ani Merlyn, ang ina ni Mimi.

May kapansanan man ang kaniyang anak, sinikap ni Merlyn na igapang si Mimi sa ikalawang baitang sa elementarya. Ang anumang kakulangan niya, pinunan ito ng pagmamahal at pag-aaruga ng kaniyang pamilya.



Kahit na maraming pagsubok ang pinagdaanan ni Mimi, lumaki naman daw itong masayahin at magiliw sa kaniyang pamilya at mga kapitbahay. Hindi nga raw siya naging tampulan ng tukso at sa katunayan pa nga, magaan daw ang loob sa kaniya ng mga kakilala niya.

Wala siyang kamalay-malay

Ganoon na lang ang paghihinagpis ng mga magulang ni Mimi ng dumating sa kanila ang nakapanlulumo na balita.

Ika-14 ng Hunyo nitong 2015, nang magpaalam si Mimi sa kaniyang ina na maglalaro siya sa labas. Ayon sa kanilang kapitbahay na si Bernard, huling namataan ang dalaga na nakikipagbiruan sa isang nagngagalang Rene Alico, kapitbahay lang din ng pamilya Palmero. Mabuting kaibigan at katrabaho ng ama ni Mimi si Rene. Madalas itong bumisita sa kanilang tahanan dahilan para maging malapit si Mimi sa kaniya.

Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, ang walang muwang na si Mimi ay dinala sa isang liblib na lugar at dito siya sinimulang halayin. Pagkatapos ay binusalan ito sa bibig at sinakal gamit ang bimpo. Nang wala ng malay na siyang malay, hinampas siya ng adobe sa ulo dahilan para tuluyang malagutan ng hininga.

Ang paghahanap kay Mimi

Lumubog na ang araw pero hindi pa rin umuuwi si Mimi.  Lubos ang pag-aalala ni Merlyn kaya naman agad siyang kumilos para magtanong-tanong sa mga kapitbahay kung nakita ba nila ang kaniyang anak.



Kaagad naman ibinalita ni Bernard na namataan niya si Rene na nakikipaglaro kay Mimi bandang hapon. Malakas ang naging kutob ng pamilya at mga kakilala ni Mimi na may kinalaman si Rene sa pagkawala ng bata.

Mabilis namang nagsumbong si Merlyn sa tanggapan ng Barangay ng Molino Dos na nawawala ang kaniyang anak. Dahil sa kutob nilang si Rene ang suspek, ipinatawag siya ng kawani ng barangay. Tumanggi naman ito sa alegasyon sa kaniya ng pamilya ni Mimi.

Sa loob ng dalawang araw, masigasig ang paghahanap na ginawa ng pamilya ni Mimi. Ngunit sa kasamaang palad, ni anino ng bata ay hindi nila nasilayan.

Ika-16 ng Hunyo, bandang hapon, may grupo ng mga binata ang nag-report sa pulis na may natagpuan silang isang naaagnas na bangkay ng isang babae sa kakahuyan. Wala itong saplot sa maselang bahagi ng katawan nito.

Ang puso ng ina

Halos nanlumo sa galit, awa at lungkot si Merlyn. Siya mismo ang unang nakakilala sa naaagnas na katawan ng bata. Sa unang tingin pa lang, alam na niya na ang natagpuan nilang bangkay ay ang kaniyang anak.



“Pagdating ko doon, naramdaman ko na siya talaga ang anak ko. Nakita ko ‘yung mga tsinelas niya na kulay blue, shorts niyang kulay dilaw, orange niyang damit na parang spaghetti,” ani Merlyn.

“Kawawa naman ang anak ko walang kamalay-malay sa mundo! Tapos ganyan makikita mo siyang pinatay, tapos ni-rape at sinakal!” galit na sigaw ni Merlyn.

Hustisya para kay Mimi

Nauna nang ipinatawag ng kawani ng barangay si Rene Alico para kwestiyunin tungkol sa pagkawala ng dalagita. Dahil malakas ang kutob ng pamilya Palmero na si Rene ang may sala, pinuntahan ito ng kinauukulan sa kaniyang tahanan. Inanyayahan siya sa himpilan ng pulis na linawin ang paratang sa kaniya. At dito na tahasang umamin si Rene sa krimen laban sa 11-anyos na si Mimi.

“Oo, ako ang gumawa,” pag-amin ni Rene sa mga pulis.

Kaugnay nito ay sinampahan ng mga kaanak ni Mimi ng kasong rape with homicide si Rene at kasalukuyan siyang nakakulong habang umaandar ang kaso sa korte.

“Sana mapatawad nila ako,” abot-langit na paghingi ng tawad ni Rene sa pamilya Palmero.



Daing ng pamilya, walang kapatawaran ang ginawa ng suspek sa kanilang mahal na bunso na si Mimi. Hinding-hindi rin sila mawawalan ng pag-asang makamit ang nararapat na hustisya sa karumaldumal na sinapit ng nag-iisang prinsesa ng kanilang pamilya.---Laurence San Pedro/BMS

LOADING CONTENT