ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Misteryosong pagkamatay ng isang lalaki sa Laguna, bubusisiin ng 'Imbestigador'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


"TAWENG"
August 1, 2015
Sabado, 4:45 PM


Sa bakuran ng isang tahimik na Simbahan sa Kalayaan, Laguna, biglang nabasag ang katahimikan. Ika-labinlima ng Abril ng taong kasalukuyan, isang nakababahalang ingay ang nakatawag pansin sa isang tanod ng barangay. Hinanap niya ang pinagmulan ng ingay. Ilang sandali lang, naaninag niya ang isang taong nakadapa. Nang lapitan, natuklasang isa na pala itong malamig na bangkay.
 
Kalunos-lunos ang sinapit ng biktima. Labing-anim na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang kanyang tinamo. Mukhang matindi raw ang galit ng salarin at tila sinigurong mauuwi ito sa kamatayan ng biktima.
 


Nakilala ang biktima na si Roel Cagayat o “Taweng”. Ayon sa kanyang mga kakilala, mapagmahal sa pamilya si “Taweng”, isang mabuting kaibigan at matulungin sa mga kababayan.
 
Paanong isang malagim na krimen ang tumapos sa buhay ni “Taweng”? Sino ang gumawa at ano ang motibo ng brutal na pagpaslang?