ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Murder suspek na pitong taon nang wanted, tutugisin kasama ang 'Imbestigador'

NIÑA
August 29, 2015
pagkatapos ng Star Talk at bago ang 24 Oras Weekend
Magiliw, malambing at masunuring bata ang sampung taong gulang na si Niña. Kinagigiliwan siya ng pamilya lalo na ng kaniyang lola. Katunayan, paboritong apo ang turing kay Niña. Katuwang ni lola ang apo sa pagbabantay sa munti nilang tindahan.
Pero gabi noong ika-30 ng Nobyembre 2008, malagim ang naging katapusan ni Niña. Natagpuan siyang nakahandusay sa sahig, tadtad ng saksak at wala nang buhay. Sa pinagtagni-tagning salaysay ng iba’t ibang saksi at mga ebidensyang nakalap ng mga awtoridad, nabigyang-linaw ang mga katanungan at nakilala ang katauhan ng responsable sa krimen, bagamat naging mailap ang suspek at nanatili siya laya. Matapos ang halos pitong taon, tutuldukan na ang pakikipagpatintero niya sa mga alagad ng batas at pagbabayarin siya sa kanyang sala.


Sino ang walang awang pumaslang sa walang-muwang na bata? Ano ang motibo ng salarin para patayin si Niña?
Ilalantad na ang buong kuwento sa Imbestigador ngayong Sabado, 4:45 ng hapon, pagkatapos ng Star Talk at bago ang 24 Oras Weekend.
More Videos
Most Popular