Kaso ng 3-anyos na batang ginahasa ng amain, tututukan ng 'Imbestigador'

"Jenelyn"
Sabado, June 11
5:15 PM sa GMA-7
Sa pagganap nina LJ Reyes at Marco Alcaraz
Kamakailan, naging viral ang kuwento ng tatlong taong gulang na batang si Jenelyn. Naging biktima siya ng matinding pisikal at sekswal na pang-aabuso. Ang kalunos-lunos niyang pinagdaanan, naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Hindi inasahan ng mga otoridad ang kanilang natuklasan. Lubos silang nagulat at nanlumo sa nakitang kalagayan ng bata. Tadtad ng paso ng sigarilyo ang kanyang bibig, hita at maselang bahagi ng katawan, maga ang kanang kamay, nakatali ang kaliwang binti at bali ang kanyang hita. Pero hindi pa rito nagtapos ang matinding pasakit na dinanas ng paslit. Lumabas na positibo rin siyang ginahasa.
_2016_06_09_18_58_29.jpg)
Tinukoy ng ina ni Jenelyn ang nasa likod ng kalbaryong pinasan nila. Sa mismong harap daw niya, nasaksihan niya ang mga pinagdaanang pasakit ng anak. At ang salarin – ang sarili niyang kinakasama at amain ni Jenelyn.

‘Wag palampasin ang buong kuwento sa Imbestigador ngayong Sabado, June 11, 5:15 PM sa GMA!