ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pamamaril sa isang siklista sa Quiapo, sisiyasatin sa 'Imbestigador'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 

 

 

Nagsimula sa pagtatalo, humantong sa suntukan hanggang nauwi sa pamamaril. Ito ang laman ng viral video noong nakaraang linggo na nakunan ng CCTV camera. Sa video, makikita ang girian sa pagitan ng isang lalaking nasa kotse at isa pang lalaki na nasa bisikleta. Matapos ang suntukan, binaril ng may-ari ng kotse ang nasa bisikleta hanggang tuluyang bumagsak ang siklista.

Nakilala ang biktima na si Mark Vincent Garalde. Pero hindi naging malinaw sa kuha ng CCTV ang plaka ng kotseng nakaalitan ni Mark Vincent. Hanggang isang lalaking naglalakad habang nagaganap ang krimen ang naging susi para tuluyang makilala ang suspek. Natandaan niya ang conduction sticker ng sasakyan ng motorista. Kalaunan, nakilala ang suspek na si Vhon Martin Tanto.

Paano humantong sa madugong krimen ang awayang ito?

'Wag palampasin ang Imbestigador ngayong Sabado, August 6 sa GMA-7!

 

 

 

 

 


Tags: imbestigador