ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kaso ng binatilyong pinugutan ng ulo sa Bulacan, sisiyasatin sa 'Imbestigador'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa isang masukal na bahagi ng San Jose Del Monte, Bulacan, natuklasan ang nakapangingilabot na krimen. Isang bangkay ang natagpuan, tadtad ng saksak ang katawan at ang ulo niya, pinugutan.


Ang biktima – ang katorse anyos na si Jeric. Nakita man ang kanyang bangkay, hindi agad natagpuan ang ulo ng binatilyo. Hanggang dalhin ang pamilya at otoridad sa isang hukay sa kalapit na lugar. Ilang minuto lang, tumambad ang nawawalang ulo ni Jeric.


Nahuli ang taong pinaniniwalaang responsable sa brutal na krimen. At ang suspek – ang sariling tiyuhin ng biktima! Pero sa kanyang pagkakadakip, itinuro ng suspek na iba raw ang gumawa ng pagpaslang. Kathang isip kaya o katotohanan ang bersyon ng suspek? Ano ang kanyang tunay na kinalaman sa krimen?


‘Wag palampasin ang Imbestigador ngayong Sabado, September 17 pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA!