ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kaso ng pagpatay sa isang architecture student, sisiyasatin sa 'Imbestigador'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

ADVANCE INFO: EPISODE FOR NOVEMBER 5, 2016
“BAG”
Sa pagganap nina Ken Chan, Joanna Marie Tan at Neil Ryan Sese

 


Naging laman ng mga balita at mainit na usapin sa social media ang pagpatay sa labing-walong taong gulang na estudyanteng si Nick Russel Oniot nito lamang ika-14 ng Oktubre. Kuhang-kuha sa CCTV camera ang mga huling sandali ng binatilyo bago siya tuluyang bawian ng buhay.

Tinangkang agawin ang bag ng biktima ng dalawang lalaki. Sinubukang labanan ni Nick ang dalawa habang walang habas siyang pinagsasaksak. Sa kabila ng mga tinamong sugat, sinikap pang tumayo at humingi ng saklolo ng biktima. Pero sa huli, tuluyan na siyang bumagsak at nagtamo ng labing-walong saksak.

 


Sa tulong din ng CCTV camera, nakilala at kalauna’y nadakip ang dalawang suspek. Sino ang dalawang akusado at paano rin sila kapwa nauwi sa kamatayan?

‘Wag palampasin ang IMBESTIGADOR sa November 5, Sabado pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA!