ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kaso ng batang tinamaan ng ligaw na bala, sisiyasatin sa 'Imbestigador'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 

Bisperas ng Bagong Taon noong 2011, sabik na hinintay ng pamilya Ella ang pagsapit ng Bagong Taon lalo na ng pitong taong gulang na si Stephanie Nicole. Pero hindi inasahang isang trahedya pala ang sasalubong sa kanila. 

 


Habang nasa labas sila ng kanilang bahay at nanonood ng mga pailaw at paputok, nagimbal ang pamilya sa sinapit ni Stephanie. Biglang bumagsak sa lupa ang bata at may tama ng baril. Ang batang si Stephanie, naging biktima ng ligaw na bala. Naitakbo pa sa pagamutan si Stephanie. Pero sa kasamaang palad, binawian siya ng buhay matapos ang isang araw.

Naging kontrobersyal ang kaso ng batang si Stephanie Nicole noong taong iyon. Nagsagawa ng imbestigasyon ang mga ahensiya ng Philippine National Police at National Bureau of Investigation. Naglaan pa ng P2 milyong pabuya sa sinumang makapagtuturo sa salarin.

Makalipas ang limang taon, ano na ang kinahinatnan ng kaso ng pagkamatay ng batang si Stephanie Nicole?

‘Wag palampasin ang nangungunang Imbestigador ngayong bisperas ng Pasko, Sabado, December 24 pagkatapos ng Wish Ko Lang!