ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Mysteries of the night
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on September 15, 2007 Saturday, 9:30 p.m. In marking Imbestigadorâs seventh-year anniversary, the program features mysteries of the night in Metro Manila. The program deploys teams throughout the city and catches some of these mysterious happenings on camera. A Malabon City landlord sought the help of Imbestigador about a mysterious tenant who insisted on renting a âroom" formerly only used to house doves. The landlord was also worried because the tenant stays all day in that room. Imbestigador observes the tenant for a number of nights and uncovers the tenant's secret. Imbestigador also found what resembles the mythical kapre, the smoking tree giant. In the shadows of a house, a group of men at night are caught on camera incessantly puffing, getting stoned or worse, using shabu. At churches in Malate and Baclaran, strange things happen at night. After the devotees leave, the places of worship are taken over by men and women offering sexual favors. Despite having been busted a number of times, the flesh trade continues. The program also found a group of young people who flirt with death at night. They race each other on public roads in their expensive vehicles, with large bets at stake. A camera set up at a public hospital catches Deathâs unexpected visit. Watch these hair-raising Imbestigador stories, hosted by veteran broadcast journalist Mike Enriquez, on Saturday, 9:30 p.m., on GMA.
Lihim ng dilim Pitong taon na pero hindi pa rin tayo tinatantanan ng Imbestigador! Institusyon na nga talaga ang programa ni Mike Enriquez na nakilala bilang nag-iisang Sumbungan ng Bayan. Dose-dosenang anomalyaât abuso na ang nabukoât na-aksyonan ng Imbestigador. Ang mga kuha ng kanilang hidden camera, naging daan para mahuli at madisiplina ang mga pasaway ng lipunan. Sa pagdiriwang ng kanilang ika-pitong anibersaryo ngayong Sabado, ibubulgar ng Imbestigador ang sari-saring milagrong nangyayari sa kalakhang Maynila tuwing sasapit ang gabi. Ikinalat ng Imbestigador ang kanilang kamera sa kung saan-saan. Walang kamalay-malay ang mga nagmimilagro sa dilim na huli sila sa akto ng mga kamera ng Imbestigador! Ano-ano kaya ang mga mabubunyag na Mga Lihim sa Dilim ng Imbestigador? Sa Malabon City, isang may-ari ng paupahan ang humingi ng saklolo sa Imbestigador dahil sa mysteryoso niyang tenant. Diumano, nagpumilit itong upahan ang silid na datiây tirahan lang ng mga kalapati. Nakakapagtaka rin daw na umagaât hapon, hindi ito lumalabas ng lungga. Nang minsaây silipin ng may-ari ang unit na pinauupahan, nagulat siya sa mga nakitaât naaamoy na kababalaghan. Sa loob ng ilang gabi minanmanan ng Imbestigador ang silid. At makukumpirma nila ang nakakakilabot na hinala ng may-ari â manananggal nga ang kaniyang pinauupa! Samantala, mistulang mga kapre naman ang mga nakunan ng Imbestigador sa gusaling kung tawagin ay bahay na bato. Hindi gawa sa konkreto ang lugar, pero talamak pala rito ang lantarang bentahan ng bato o shabu. Kaya naman pala walang patid ang hithit-buga ng mga kapre ritong nakakarating ng langit gabi-gabi! Sa simbahan naman ng Malate at Baclaran, paglubog ng araw umpisa na ng kababalaghan. Pag-alis ng mga deboto ng simbahan, humahalili sa kanilang puwesto ang mga naglalako ng kanilang mga biyaya. Kahit ilang beses nang nabuko, bakit kaya ang mga Magdalenoât Magdalena ng lugar matitigas pa rin ang ulo? Matigas din ang ulo ng mga kabataang huling-huli ng kamera ng Imbestigador na nakikipag-patintero kay Kamatayan gabi-gabi. Sakay ng mga magagara nilang sasakyan, walang takot na humaharurot ang mga kabataan kapalit ng malalaking halaga. May mga bata namang abala sa pakikipaglaban sa kapwa nila mga musmos. Ang kamera naman na itinalaga ng programa sa isang pampublikong ospital, nakunan ang di inaasahang pagbisita ni Kamatayan! Tutukan ang mga makapanindig-balahibong eksenang nagaganap habang nahihimbing ang karamihan. Sa mga oras na akala ninyong walang nagbabantay, nakatutok pa rin ang Imbestigador! Samahan ang buong pwersa ng grupo ni Mike Enriquez sa kanilang paglalantad sa Mga Lihim ng Dilim, sa ika-15 ng Setyembre, Sabado, 9.30 ng gabi, sa GMA.

Tags: imbestigador
More Videos
Most Popular