ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kaso ng pangmomolestiya sa isang bata, sisiyasatin sa 'Imbestigador'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

“KALBARYO NI KAREN”
Sa pagganap nina Kim Rodriguez, Paolo Paraiso at Maureen Larrazabal

Sa edad na pitong taong gulang, nag-umpisang makaranas ng pangmomolestiya ang batang itinago namin sa pangalang “Karen”. Naulit ito noong siya’y siyam na taong gulang. Dala ng takot, naging tikom ang bibig ng bata. Hanggang muling nangyari ang pang-aabuso sa biktima. At sa edad na labing apat na taong gulang, nauwi sa paulit-ulit na panggagahasa ang dinanas niya sa loob ng kanilang tirahan. Mula noon, nagmistulang sex slave ang dalagita.

Ilang tao ang nilapitan ni “Karen” para ikuwento ang kalbaryong dinanas niya. Pero tila walang nangyari sa mga pagkakataong ito. Pursigidong makawala sa kanyang kinasadlakan si “Karen” at pagbayarin ang suspek sa kanyang mga kasalanan. Hanggang naisip ni “Karen” na tumawag sa Sumbungan ng Bayan.

Kasama ang Imbestigador, ikinasa ang rescue operation para sagipin ang biktima at mapanagot ang maysala! Sino nga ba ang taong umagaw sa kamusmusan ni “Karen”? Managot kaya sa batas?

‘Wag palampasin ang muling pag-aksyon ng Imbestigador ngayong Sabado ng hapon pagkatapos ng Wish ko Lang.