ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pagpatay sa isang make-up artist sa Cavite, sisiyasatin sa 'Imbestigador'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

‘SUGAR’
Sa pagganap nina Mikoy Morales, Maureen Larrazabal at Bryan Benedict

Basag ang kanyang bungo, may dalawang saksak sa leeg at dalawa pang saksak sa tiyan.

Ganito natagpuan ang biktima sa bakanteng lote sa Brgy. San Francisco, Gen. Trias sa Cavite kamakailan. Dahil kilalang tapunan ng mga patay ang lugar kung saan siya natagpuan, inakalang isang salvage victim ang nakitang bangkay. Hanggang tuluyang natukoy ang pagkakakilanlan ng biktima. Siya si Dindo “Sugar” Malig, make-up artist ng ilang artista. Kasabay nito, unti-unti na ring nagkalinaw ang nangyaring malagim na pamamaslang.

Ano nga kaya ang motibo sa likod ng karumal-dumal na krimen? Sino ang mga nasa likod ng pagpaslang?

‘Wag palampasin ang Imbestigador ngayong December 2, Sabado ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA!