ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kaso ng pagpatay sa isang dalagita sa Cavite, sisiyasatin sa 'Imbestigador'


BABAE SA SEMENTERYO
Sa pagganap nina Teri Malvar, Roli Inosencio at Renz Valerio

Ang kinse anyos na si Shaynadyn… natagpuang nakasilid sa sementeryo. Ano ang sinapit ng dalagita?


Sa pagitan ng dalawang nitso sa Himlayang Caviteno sa lungsod ng Cavite, natagpuang nakasilid ang isang bangkay. Basag ang bungo at walang saplot pang-ibaba ang biktima.

Ito ang natuklasan ng tagapangalanga sa sementeryo noong umaga ng ika-30 ng Disyembre, taong 2017. Hindi agad nakilala ang biktima ng mga rumespondeng opisyal ng barangay at pulis. Hanggang ang mismong ama ang tumukoy sa natagpuang bangkay. Ang biktima – ang labing limang taong gulang na dalagitang si Shaynadyn Alejo.


Kalaunan, hindi lang ang pagkakakilanlan ng biktima ang natukoy kundi maging ang mga bakas ng dugo na nagturo sa kinaroroonan ng suspek sa krimen.

Ano ang tunay na sinapit ng dalagitang si Shaynadyn? Sino ang nasa likod ng brutal na pamamaslang at bakit niya nagawa ang krimen?