ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pagpatay sa mag-asawa sa Cebu, sisiyasatin sa 'Imbestigador'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 

“MAG-ASAWA”
Sa pagganap nina Isabelle de Leon, Mickey Ferriols, Biboy Ramirez at Paolo Paraiso

November 10, Sabado ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA
Hindi na nakabalik pa ng buhay ang mag-asawang Liesyl at Edwin Bordadora sa kanilang bahay sa Brgy Guba, Lungsod ng Cebu.
 
Sa daan malapit sa kanilang tirahan, nagkalat  ang mga pinamili ng mag-asawa. Hanggang napansin ng mga kaanak ang ilang patak ng dugo sa kalsada. Sinundan ang mga patak na ito at dinala sila sa isang lugar. Dito na tuluyang nadatnan ang duguang bangkay ni Liesyl. Nang sumunod na araw, natagpuan namang tadtad ng saksak at wala nang buhay si Edwin.
 
Naging palaisipan ang pagkakapaslang sa mag-asawa. Pero sa pag-usad ng imbestigasyon, napag-alamang may namuo palang alitan sa loob mismo ng pamilya Bordadora.
 
Ano nga ba ang kuwento sa likod ng karumal-dumal na krimeng nangyari sa mag-asawa?
 
 
 
 

(photos from re-enactment)

 

Tags: imbestigador