ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Fake visa, ticket scam, unused relocation site
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on November 17, 2007 Saturday, 9:30 p.m. Ngayong Sabado, patuloy na mag-iimbestiga ang nangungunang Sumbungan ng Bayan ng ibaât-ibang istorya at problema. Aaksiyunan ang reklamo ng isang naunsiyaming OFW na papunta sana sa bansang Turkey. Sisiyasatin din ang mga sumbong tungkol sa tickets na ibinenta raw sa mga nursing board passers, sa nakatiwangwang na relocation site at ang bingguhang pinuputakti ng mga bata at matanda. Visa na Walang Bisa Nakapunta si Jocelyn sa bansang Turkey gamit ang visa na binayaran niya ng P90,000 sa recruiter na si Marissa. May naghihintay na raw sa kanya na trabaho pagdating doon. Pero hinarang siya ng immigration officer sa paliparan ng Turkey dahil ang kanyang visa... peke pala! Sa pagbalik ni Jocelyn sa Pilipinas, haharapin niya si Marissa kasama ang Imbestigador. âNot For Sale" Complimentary Not For Sale â ito ang nakatatak sa ticket na ibinenta sa mga board passers ng nursing. Para sa oath-taking daw ang mga ticket na nagkakahalaga ng P300 â P400. Pero ang inirereklamo ng mga bumili nito, wala na ngang resibo marami pa sa kanila ang hindi nakapasok sa Araneta Coliseum kung saan ginanap ang oath-taking. Isyu sa Relocation Tatlong taon na ang nakararaan pero nakatengga pa rin ang lupang binili ng Pasay City government na ilalaan daw sa mga maralitang walang maayos na tirahan sa lungsod. May mga kumukuwestiyon din sa transaksiyon ng pagbili ng lupa dahil overprice raw ito. Kinukuwestiyon din ang labinlimang milyong pisong pondo dahil sampung milyong piso lang daw talaga ang pagkakabili ng nasabing lupa. Bawal na Bingo Nakabalandra sa kalsada, pinuputakti ng mga bata at matanda, akala moây piyesta sa barangay â pero ito lang pala ang gabi-gabing bingguhan na nangyayari sa Barangay 101 sa Tondo, Maynila. Pagkagaling sa eskwela, maraming mga estudyante ang diretso rito imbes na takdang aralin ang gawin. Sa pag-iimbestiga bawal pala ito dahil wala silang permit sa Barangay at City Hall. Abangan ang Imbestigador sa pangunguna ng Imbestigador, 9:30 ng gabi pagkatapos ng Kapuso Mo Jessica Soho sa GMA7.
More Videos
Most Popular