Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Implementasyon ng Social Amelioration Program (SAP), tatalakayin sa Special Investigative Reports ni Mike Enriquez


 


Silang mga nasa laylayan, mga nawalan ng kabuhayan at “vulnerable” sector – ang higit na nangangailangan ng tulong pinansiyal sa panahon ng pandemya.  Pamimigay ng ayuda ang naisip na paraan ng pamahalaan para sila ay matulungan.

Sa pamamagitan ng Social Amelioration Program (SAP), makatatanggap ng P5,000-P8,000 ang aabot sa 18 milyong pamilya sa buong bansa. Umabot sa halos P200 bilyon ang ipinamahagi sa mga benepisyaryo.

Pero ang magandang hangarin ng programa, inulan ng kontrobersiya matapos ang kaliwa’t kanang alegasyon ng katiwalian. Sa halip na mapunta sa tamang mga tao, nauwi sa maling mga kamay ang ibang pondo.  May mga pinaghati-hatiang ayuda, pinekeng pirma, maykayang naambunan ng ayuda at ilang opisyal na nangumisyon pa. 

Sa pinakahuling datos mula sa Department of the Interior and Local Government o DILG nitong Hulyo, umabot na sa 630 ang mga reklamong may kinalaman sa SAP. Sa bilang na ito, 417 ang kasong naisampa, 185 sa mga ito ang mga halal na opisyal kabilang ang ilang alkalde, mga konsehal, kapitan at kagawad ng barangay.

Sundan ang ikalawang yugto ng “COVID-19: Special Investigative Reports ni Mike Enriquez” na sisilip sa implementasyon ng Social Amelioration Program, ngayong Hulyo 18, Sabado, 4:45pm pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA 7.

 

 

 

In the second installment of “COVID 19: Special Investigative Reports ni Mike Enriquez”, the series examines the alleged anomalies in the implementation of the government’s Social Amelioration Program (SAP), a cash emergency subsidy program intended for 18 million families whose lives are greatly affected by the pandemic financially. Almost P200 billion were spent for this program, the largest direct financial assistance by the government in history. Sadly, the distribution of the first tranche was hounded by allegations of corruption. According to the latest numbers from the Department of Interior and Local Government, the agency received 630 SAP-related complaints and 417 were charged including 185 elected officials mostly from the local governments in various places nationwide.

Tags: mikeenriquez