Binatang nagpaalam lang na magpi-piso net, naipit sa gulo at pinagsasaksak!


Alas onse ng gabi noong a-primero ng Nobyembre taong kasalukuyan, nagpaalam sa kanyang nanay na si Mercy na lalabas lang ng bahay ang labimpitong taong gulang na si Clarence Buena para mag piso net.
Sa kasamaang palad ay naipit sa isang gulo ang binata di kalayuan sa kanilang tinitirhan sa lungsod ng San Juan. Isang lalaki na nag-aamok ang sumaksak sa kanya. Duguan na isinugod sa opsital si Clarence.
Ayon sa imbestigasyon ng pulis, biktima ng mistaken identity si Clarence. Sinaksak siya dahil sa selos. Ang akala ng lalaki na nag-aamok ay si Clarence ang bagong kasintahan ng dati niyang karelasyon.
Namatay sa ospital si Clarence makalipas ang dalawang araw. Batay sa death certificate ng biktma, multiple stab wounds o mga tama ng saksak sa kanyang likuran ang dahilan ng pagkamatay niya.
Subaybayan ang detalye ng kasong ito sa pagganap nina Rere Madrid, Jeremy Louis Sabido at Joseph Roland Damiles sa Imbestigador ngayong December 26, Sabado 4:45 ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA.