'Serial rapist' sa Maynila, nambiktima ng hindi bababa sa 20 masahista!

Isang diumano'y serial rapist ang nakapaghasik ng lagim sa Maynila. Ang kanyang biktima -- mga kababaihang masahista. Ang modus – nagpanggap siyang magpapamasahe pero hindi pala niya babayaran ang mga biktima. Ang mas masaklap, pinagnakawan at pinagsamantalahan pa ng salarin ang mga walang kalaban-labang mga masahista.
Isa sa mga nabiktima si “Precious”, 27 taong gulang at isang massage therapist. Nakipagkasundo siyang makipagkita sa lalaki sa isang apartelle sa Quezon City noong Nobyembre. Lingid sa kanyang kaalaman, matinding panganib pala ang naghihintay sa kanya.
Tumanggi siyang bayaran ng lalaki. Sa halip, tinutukan ng kutsilyo si “Precious” at tuluyang ginahasa. Tinangay din ang kanyang pera at cellphone.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, hindi lang si “Precious” ang biktima kundi umabot na sa dalawampung kababaihan ang nabiktima. Paano ito tuluyang matutuldukan?
Sundan ang mga detalye ng kasong ito sa pagganap nina Archie Alemania at Inah De Belen sa Imbestigador ngayong January 19, Sabado 4:45 ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA.