ADVERTISEMENT

Public Affairs

Francisco murder and frustrated murder case, sisiyasatin sa 'Imbestigador'

 

 


ADVERTISEMENT


IMBESTIGADOR: FRANCISCO MURDER AND FRUSTRATED MURDER CASE
Sa pagganap nina Pancho Magno at Anjo Damiles
October 9, Sabado, 4:45pm sa GMA

Sa isang pantalan sa bayan ng Estancia, Iloilo, naaninag ng mangingisdang si Jhondee Francisco ang pagbugbog at pagsaksak ng ilang kalalakihan sa isang lalaki. Matapos nito, biglaang itinulak ang lalaki sa dagat at tuluyang iniwan. Hanggang sumigaw at humingi ng saklolo ang biktima.

Pamilyar ang boses na narinig ni Jhondee kaya agad nila itong pinuntahan kasama ang kapwa niya mangingisda. Sa kanilang pagdating, tumambad ang nakatatanda niyang kapatid na si Jeppe.  Pero habang tinutulungan nila ang kapatid, muling dumating ang mga kalalakihan at lalo pang tumindi ang mga sumunod na eksena.  Sa huli, hindi pinalad at tuluyangn binawian ng buhay si Jeppe habang nakaligtas naman si Jhondee.

Sino ang mga nasa likod ng karahasan? Ano ang ugat ng pagtatalong nauwi sa madugong pagwawakas?

Sundan ang mga detalye ng kasong ito sa Imbestigador ngayong Sabado, October 9, 4:45pm sa GMA.