Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Babae sa sako, Las Piñas City murder case, sisiyasatin sa 'Imbestigador'


 


BABAE SA SAKO: LAS PINAS MURDER CASE
Sa pagganap nina Matet de Leon, Angelika Santiago at Carlos Agassi
May 21, 2022 Sabado 4:45pm pagkatapos ng Wish Ko Lang


Isang kahina-hinalang sako sa kalsada ang napansin ng isang residente sa Barangay Manuyo, Las Piñas City  nitong ika-12 ng Marso. Agad itong ipinagbigay-alam sa mga pulis. Nang buksan ng mga awtoridad ang sako, tumambad sa kanila ang katawan ng isang babae.

Paniwala ng mga pulis, biktima ng pambubugbog ang babaeng biktima. Bukod sa duguang ulo, natuklasang may mga pasa rin sa mukha at katawan ang biktima.

Sino ang babae sa sako at paano niya sinapit ang malagim na krimen?

Tutukan ang mga detalye sa pagganap nina Matet de Leon, Angelika Santiago at Carlos Agassi sa Imbestigador ngayong May 21, 2022, Sabado 4:45 ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA.