Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Norzagaray, Bulacan murder case, sisiyasatin sa 'Imbestigador'


 

 


BABAE SA HUKAY: NORZAGARAY MURDER CASE
Sa pagganap nina Ina Feleo, Rochelle Barrameda at Mike Tan
June 25, 2022 Sabado 4:45pm pagkatapos ng Wish Ko Lang

 


Sa isang bakanteng lote sa Barangay Poblacion, Norzagaray, Bulacan, isang malagim na sikreto ang ibinaon sa hukay. Pero walang lihim na ‘di mabubunyag.  Kalaunan, tuluyang sumingaw ang misteryong bumabalot dito.  

Labing-apat na araw na nawawala ang ginang na si Rowena Conda. Puspusan siyang hinanap ng kanyang mga kaanak pero bigo silang makita siya. Hanggang sa kanilang paghahanap, dinala sila sa isang bakanteng lote ilang metro lamang ang layo mula sa kanilang bahay. Umagaw sa pansin ng mga otoridad ang bahagi ng malambot na lupa sa lote. Sinimulan itong hukayin ng Norzagaray Police at natagpuan nila ang isang lona. Nang ito’y buksan, tuluyang tumambad ang katawan ng isang tao. Matuldukan na kaya ang paghahanap sa nawawalang si Rowena? Ano ang tunay na sinapit ng natuklasang babae sa hukay?

Tutukan ang mga detalye sa kasong ito sa pagganap nina Ina Feleo, Rochelle Barrameda at Mike Tan sa Imbestigador ngayong June 25, 2022, Sabado 4:45 ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA.

Tags: Imbestigador