ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Sino ang dapat managot sa mga natenggang proyekto ng gobyerno?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ngayong Huwebes, sisiyasatin ng "Investigative Documentaries" ang ilan sa mga nakatenggang proyekto ng gobyerno. Aalamin din kung bakit madalas itong nangyayari, at kung sino ang dapat managot.





Apat na taon na ang nakararaan mula nang simulang gawin ang Malibay Center Plaza sa Pasay City. Dito ilalagay ang Day Care Center, Health Center, Rescue Center at iba pang opisina.  Pero hanggang ngayon, hindi pa rin natatapos ang konstruksyon.






Malaking abala para sa mga residente ang pagkakasara ng daan dahil sa ginawang tulay sa Siniloan, Laguna.  Ang mga namamasada ng jeep, kinailangang baguhin ang ruta na mas pinalayo.  Dagdag gastos ito sa krudo at nangangahulugan ng mas mahabang oras sa biyahe.
 
Pero ang tulay na dapat sana ay tapos na noon pang Hulyo 2014, hanggang ngayon, hindi pa rin napapakinabangan.







Taong 2008 natapos ang pagpapagawa ng palengke sa Sub Urban Subdivision sa Rodriguez, Rizal. Pitong taon na ang lumipas pero nakatiwangwang pa rin ito hanggang ngayon.  Kahit na minsan ay hindi pa nagagamit.  Sa halip na mga vendor ang makinabang, ginawa na itong bahay ng ilan sa mga dating karpintero.

Tutukan ang Investigative Documentaries ngayong huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11!