Iba't ibang modus ng mga scammer, alamin sa 'Investigative Documentaries!'
SCAMMING

Mahigit isang dekada na ang Bethany Dream Cakes na pag-aari ni Susan Dela Cruz. Sa tagal niya sa negosyo, ngayon lang siya nabiktima ng isang scammer.
Nitong Agosto ay nakatanggap siya ng email mula sa isang customer na nagpapagawa ng birthday cake sa halagang P22,000. Nagbayad daw ang customer gamit ang online banking. Ang problema peke pala ang kopya ng transaction na ipinadala sa kanya. Walang pumasok na pera sa savings account ni Susan.

May catering business naman si Victoria Garcia. Biktima naman siya ng deposit and refund scam. Nitong buwan lang ay nakatanggap siya ng order para sa isang charity event. Ang halaga ng food package ay P27,000.
Idineposito raw ng customer sa savings account ni Victoria ang bayad. Nagpadala siya ng kopya ng deposit slip bilang patunay. Huli na nang matuklasan ng biktima na peke pala ang deposit slip at wala naman talagang pera na pumasok sa kanyang account.
Magpapasko, magiging abala ang mga negosyo, gayundin ang mga scammer. Alamin kung paano makaiiwas sa ganitong panloko. Manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.