ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Matinding traffic sa Pilipinas, masolusyunan pa kaya?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 

BiyaHirap
07 November 2019 Episode

 

Wala raw krisis sa mass transport system sa bansa, ayon sa Malacañang, pero araw-araw, kalbaryo para sa mga Pilipino ang pagpunta sa kahit saan.

 

 

Alas nuwebe pa ang trabaho ni Naifa sa Makati City pero alas kuwatro y media pa lang ng umaga, naghahanda na siya. Mahigit tatlong oras kasi ang biyahe niya mula Molino, Cavite. Dahil walang masakyang bus, sumasakay ng UV express si Naifa at nag-iiba ng ruta. Imbis na P61, nagiging P100 ang pamasahe niya.

 

 

Halos apat na oras naman ang binubuno ni Jennifer mula Caloocan City papasok sa opisina sa Makati City. Pasakit sa kanya ang araw-araw na pagpila sa UV express, pagsakay ng bus, at pakikipagsiksikan sa MRT.

Dahil hirap sumakay, dumidiskarte naman ang ilan makarating lang sa trabaho. Si Rizza, nagca-carpool papasok sa Makati. Si Vanessa naman, sumasakay ng habal pauwi sa Cainta. Kahit delikado at mas mahal, mas pipiliin daw nilang mag-carpool at mag-habal para hindi makipagsiksikan tuwing rush hour.

 

 

Ayon sa Asian Development Bank o ADB nitong 2019, pinakamasikip ang Metro Manila sa 278 na siyudad sa Asya. Ibig sabihin, hindi sapat ang transportation network para sa mga pasahero.

 

 

Mula 9.9 milyon noong 2000, umabot na sa 12.9 milyon ang populasyon sa Metro Manila noong 2015. Nadadagdagan pa ito ng halos tatlong milyon tuwing umaga dahil sa mga lumuluwas galing probinsya para magtrabaho.

 

 

Krisis na nga ba ang araw-araw na kalbaryo ng mga pasahero sa kalsada at ano ang solusyon ng gobyerno dito?

Manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV.