ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ano ang naging aksyon sa mga isyung sinundan ng Investigative Documentaries ngayong 2019?


INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES: ID UPDATES
JANUARY 2, 2020
HUWEBES, 8 PM SA GMA NEWS TV

Oktubre 2018 nang tinalakay ng Investigative Documentaries ang pagbangon ng mga pamilyang nagbakwit mula sa Marawi City, isang taon makalipas ang bakbakan ng militar at Maute Group. Mahigit 77,000 pamilya na nagbakwit dahil sa labanan ang naghihintay noong makabalik sa dati nilang mga bahay at buhay. Pero hindi pa man tuluyang nakababangon ang Marawi, tinamaan naman sila ng buhawi noong Nobyembre 2019.

Ilang residente naman mula sa Barangay 18 sa Caloocan City ang nagrereklamo dahil sa problema sa poste ng ilaw. Tinanggal daw diumano ng mga tauhan ng natalong kapitan ang mga ilaw sa poste sa kanilang lugar. Ano na kaya ang ginawang aksyon dito ng kasalukuyang mga opisyal ng barangay?

 

Reklamo naman ng ilang customer ng mga online lending company ang pamamahiya at pangha-harass ng mga kolektor matapos hindi sila makapagbayad sa itinakdang petsa. Dahil dito, naglabas ng Memorandum Circular ang Securities and Exchange Commission o SEC na nagtatakda ng tama at makataong sistema ng paniningil ng mga financial company. May naparusahan na kaya ang SEC dahil sa paglabag dito?

 

 

Balikan natin ang mga isyung ating tinutukan ngayong taon. Manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV.