ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang peligrosong buhay ng mga bantay-gubat


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

BANTAY-GUBAT
MARCH 5, 2020
HUWEBES, 8 PM SA GMA NEWS TV

 

Isa ang Pilipinas sa mga mapanganib na bansa para sa mga nangangalaga sa kalikasan, ayon sa Global Witness, isang international non-government organization.

Sa tala ng Kalikasan People’s Network for the Environment noong 2019, 46 na “environmental defenders” o iyong mga nagtatanggol sa kalikasan ang pinatay noong 2019.

 

Kuha ng CCTV sa pamamasalang sa isang forest ranger.
Kuha ng CCTV sa pamamasalang sa isang forest ranger.

Tungkulin ng mga forest ranger ang bantayan ang kagubatan, pero dahil sa kanilang trabaho, sila mismo, nalalagay sa peligro.

Nakunan sa CCTV ang pagbaril kay Ronaldo Corpuz sa labas mismo ng kanyang bahay sa Nueva Ecija noong Oktubre 2019. Tatlong taong forest ranger si Corpuz sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources o DENR. Ayon sa imbestigasyon, isang linggo bago ang insidente, may nahuling illegal logger ang grupo nina Corpuz sa Bundok Carranglan sa Nueva Ecija, kung saan siya nakadestino.

 

Hindi lang ang mga forest ranger ang nalalagay sa alanganin. Maging ang mga agriworker, abogado, mga indigenous people, at ibang nagtatanggol sa kalikasan, sumusuong rin sa panganib.

Noong 2010, napatay ang botanist na si Leonard Co sa isang engkuwentro diumano sa pagitan ng mga sundalo at ng New People’s Army sa Leyte. Kasalukuyang gumagawa ng pag-aaral noon ang grupo ni Co sa mga puno at halaman sa Kananga, Leyte.

Gaano kadelikado ang maging environmental defender sa Pilipinas? At may magagawa nga ba ang pamahalaan para ipagtanggol ang mga tagapagtanggol ng kalikasan?

Manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV.