Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"Tropang Basa"


Episode on December 8, 2008 Monday late night after Saksi This Monday, Jay Taruc documents a group of women who gather along the garbage strewn shores of Manila Bay every night. Up close, they appear dressed for a beach party - wearing thick make-up and the skimpiest of clothes - seemingly inappropriate for this setting. The women await the arrival of fishermen with their harvests. Part of their routine is to wade through the cold waters and climb into the boat of their choice. Most of them return to shore half an hour later carrying fish in exchange for their sexual favors. When they get lucky, they are paid in cash. Leah, Cherry and Dimples are friends who do this to survive. Separated from her husband, Leah was left alone to provide for her two children and an older, disabled brother. Dimples was sexually abused by a relative, and has not lived a normal life since. She had a child with her rapist. Cherry is single but says she can find no other work. Also known as the "tropang basa" (the wet troop), the girls look for fishing boats to climb every single night. Jay Taruc tells their stories in his I-Witness documentary airing Monday late night over GMA.
Ang dokumentaryo ngayong Lunes ni Jay Taruc, ukol sa mga grupo ng kababaihang nakatambay tuwing gabi sa pampang ng Manila Bay. Kung lalapitan, mapapansin na todo postura sila - nakamake-up at nakasuot ng damit na kaakit-akit. Tila may pupuntahang beach party. Pero hindi party ang dayo nila rito. Mula alas tres ng madaling araw hanggang sikatan na ng araw, inaabangan nila ang mga paparating na mangingisda. At kapag may nakitang kakilala, lulusong sa tubig at sasampa sa bangka. Makaraan ang ilang minuto, muli silang babalik sa pampang na may dala-dala nang maraming isda. Tropang basa ang tawag sa kanila. Sina Leah, 27, Cherry, 29 at Dimples, 21, ay ilan lamang sa mga babaeng ito. Ayon sa tatlo, ang pagsampa sa bangka ay matagal nang gawain ng mga kababaihan dito. Humihingi sila ng isda kapalit ng puri. Kung susuwertihin, hindi isda kungdi pera ang ibibigay sa kanila ng mga mangingisda. Si Leah ay may dalawang maliliit na supling. Sa gawaing ito siya kumukuha ng ipinangtutustos sa mga anak. Matagal na siyang hiwalay sa asawa kaya't mag-isa niyang binubuhay ang mga ito. Kapag pumupunta siya sa pampang, ang pilay niyang kapatid ang nag-aalaga sa mga bata. Hindi rin suwerte sa buhay si Dimples. Maaga siyang napariwara, ginahasa ng isang kamag-anak. Pilit man niyang magbagong buhay ay wala daw paraan. Nasadlak na siya sa ganitong sitwasyon. Si Cherry naman ay nakikitira sa kapatid at walang ibang makuhang hanapbuhay. Sila ang tropang kikilalanin ni Jay Taruc sa I-Witness ngayong Lunes ng hatinggabi sa GMA-7.
Tags: iwitness