ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Solitary Trip (Documentary of Jay Taruc)


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on November 2, 2009 Monday night, after Saksi "Biyaheng Solitaryo" is the third among Jay Taruc's "motorcycle diaries". But this time, Jay travels alone as his former companion Nonoy Cabrera passed away. His travel aims to probe reports of paranormal sightings or activities in some areas in the Philippines. From his previous travels in the islands of Panay in Visayas and Cagayan Valley in Luzon, he roams the most 'frightening'streets of Metro Manila. Such is the Balete Drive in New Manila, Quezon City, because of the alleged presence of a white lady. Not far from the said place is a bar where lost souls are said to be gathered. According to its owner, he sought the assistance of a psychic to silence them. The psychic allegedly enclosed the spirits in a mirror. And to prove it, the ghost's image appeared. Join Jay Taruc's travel to the 'twilight zone', this Monday midnight on I-Witness, after Saksi.
Ang biyaheng solitaryo ang ikatlo sa seryeng "motorcycle diaries" ng dokumentaristang si Jay Taruc. Ngunit sa pagkakataong ito, mag-isa na lamang maglalakbay si Jay dahil ang kanyang rider buddy na si Nonoy Cabrera, sumakabilang buhay na. Layunin ng biyahe na patotohanan ang mga napapapabalitang kababalaghan sa iba't-ibang lugar sa Pilipinas. Matapos suyurin ang isla ng Panay sa Visayas at Cagayan Valley sa Region 2, dito naman sa Maynila tatahakin ni Jay ang mga pinaka-kinatatakutang lugar. Isa na rito ang Balete Drive sa New Manila na kilalang-kilala dahil sa nagpapakitang white lady. Sa hindi kalayuan, isang bar naman ang diumano’y ginagambala raw ng isang espiritu. Ayon sa mga may-ari, nagpatawag daw sila ng isang pyschic upang patahimikin ang kaluluwa. Ikinulong nila ito umano sa isang kuwadradong salamin. Nagsagawa ng orasyon ang psychic para patunayan na naikulong talaga niya ang espiritu… at ilang minuto lang, lumabas ang isang imahe ng lalaki sa salamin! Hindi pa man natatapos ang gabi, sunod na pinuntahan naman ni Jay ang burol ng isang babae na sinasabing mahiwaga ang naging kamatayan. Nagbigti umano ang babae ngunit nagdududa ang ilang kamag-anak sa totoong sinapit nito. Kasama ang pyschic sa bar, sinubukang kontakin ni Jay ang kaluluwa ng babae sa pamamagitan ng Automatic Writing. Ano nga ba ang katotohanan sa kuwento ng kanyang kamatayan? Ang mga kahindik-hindik na mga eksena sa dokumentaryo ni Jay Taruc ngayong Lunes ng hatinggabi sa I-Witness pagkatapos ng Saksi.