ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Heavyweight (Documentary of Sandra Aguinaldo)


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on November 16, 2009 Monday night, after Saksi Up to what extent will you go to achieve your desired weight and body shape? For an obese woman like Weng Guttierez, she’ll go all the way. Do everything in the name of weight loss. Weng has been overweight all her life, and now that she’s 30, she wants to get rid of all the flab in her body. From her colossal 295-lbs. body weight, Weng now only weighs 160-lbs., and she still wants to lose 20 more pounds! With her painstaking gym workout and a daily diet of sweet potatoes and eggs, Weng may actually succeed in achieving her desired body weight. Should this happen, Weng would also achieve a life-long goal – to change her no-boyfriend-since-birth status! Meanwhile, 35-year old Kathy Solis doesn’t mind being fat. In fact, she has already used her obesity to her advantage. She has already won several beauty contests for fat people, including the runner-up award in the 2009 Bilbiling Mandaluyong. She has also appeared in numerous TV shows and commercials because of her enormous body shape. Kathy blames her love for fatty foods and poor eating habits for her obesity. However, she admits she also needs to think about her health condition. Kathy wants to have another child but she knows it would be difficult for her given her current body shape and state. Even award-winning journalist Sandra Aguinaldo admits to struggling with her own weight. Because of work pressures and an unhealthy lifestyle, Sandra has already tipped the scale at 141 lbs. Now, Sandra wants to whittle down the fats not just for health reasons, but also to prepare herself for pregnancy. Join Sandra, Kathy and Weng as they sweat, train, diet and talk about their struggles with obesity in the amusing documentary “Heavyweight!," the 2nd installment for the 10th anniversary celebration of I-Witness, airing this Monday midnight over GMA-7.
Masarap kumain, namana sa pamilya, tinatamad kumilos o masyadong abala sa trabaho para mag-exercise. Iba’t-ibang mga dahilan na isa lang naman ang kahihinatnan - KATABAAN! Mga lutong baboy ang pinaka-paboritong pagkain ng 35-taong gulang na si Kathy Solis. Samahan pa raw ang taba ng bande-bandehadong kanin, talagang langit daw ito para kay Kathy. Sa ganitong istilo ng buhay ni Kathy, ‘di kataka-takang lumobo ang kanyang katawan hanggang sa umabot ng 250 lbs. ang kanyang timbang. Pero hindi ito ikinahihiya ni Kathy, dahil laking pakinabang daw ng kanyang mga celluloids! Kung anu-anong contest ng patabaan na ang kanyang sinasalihan, at maging mga TV appearance at commercials pinasok na niya! Pero Bagamat nasasarapan at kumikita siya sa kanyang hitsura at timbang - gusto nang pumayat ngayon ng Bilbiling Mandaluyong 1st runner-up. Plano niya kasing magkaanak muli at alam niyang makatutulong dito ang pagliit ng kanyang katawan. Gaya ni Kathy, gusto na ring pumayat ni Weng Guttierez. Buong buhay na raw kasi ni Weng, mataba siya. Kaya naman puspusan ngayon ang kanyang pagpipigil sa pagkain at pag-e-exercise. Naniniwala si Weng na kapag gumaan-gaan daw ang bigat niyang 295 lbs., baka raw sa unang pagkakataon, magkaroon na siya ng inaasam-asam na boyfriend! Maging ang dokumentaristang si Sandra Aguinaldo - problema na rin ang kanyang timbang. Dala ng stress sa trabaho, umabot na siya sa 141 lbs! Nang magpakonsulta si Sandra sa isang health expert, nalaman niyang ang porsiyento ng taba sa kanyang katawan - obese na pala ang antas. Pero bukod sa pagiging mas malusog ang pangangatawan, magpapapayat si Sandra para sa isang personal na dahilan – ang mas madali niyang pagbubuntis. Sumama sa pagdidiyeta, pagpapawis at pagpapagod nina Kathy, Weng at Sandra para sa pangarap nilang kapayatan sa dokumentaryong “Bigatin," ang natatanging handog ng award-winning journalist na si Sandra Aguinaldo para sa ikalawang serye sa ika-10 taong anibersaryo ng I-Witness ngayong Lunes ng hatinggabi, pagkatapos ng Saksi sa GMA-7.