ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"Aide" (Documentary of Kara David)


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on November 23, 2009 Monday night, after Saksi Last August, Kara David visited Mang Danny in Bagong Silang to check on his 4 malnourished kids. Sam (10 months), Sander (3), Samson(5) and Sonny (10)—all skin and bones caused by hunger and tuberculosis. After Kara brought their parents to a nearby hospital for check-up, the results proved that they transferred the bacteria to their kids. After airing the documentary, a number of viewers expressed their willingness to help. That’s why for our 10th anniversary, we’ve decided to make a docu on the progress of the Flores family from the time that help was brought to them. The team monitored their progress in terms of health, lifestyle, housing and diet based on the donations that was received. Rice, vitamins, milk and medicine were regularly supplied for 3 months. Each week, the kids’ weight were taken to check for development. After 3 months, Sam’s weight was able to reach 6 kilos from his previous 3.9k. Sander is now 12 kilos from 8.5k while Samson gained 5 kilos. There were also some changes in their house. They now have a toilet and a cemented floor. Right now, the family is continuously taking medications for TB and is expected to be free from the disease this coming March.
Noong Agosto, pinuntahan ni Kara David sa Bagong Silang si Mang Danny para dalawin ang 4 na buto’t-balat nitong mga anak. Sina Sam (10 months), Sander (3 taong gulang) sa, Samson (5 taong gulang) at Sonny (10 taong gulang), halos hindi na makalakad sa tindi ng kapayatan at hina ng katawan dala ng gutom at sakit na tuberculosis. Nang ipacheck-up ni Kara ang magulang sa ospital, nagpositibo rin ito sa TB at naipasa rin nila sa mga anak. Pagkatapos ipalabas ang dokyu, marami ang nagpahiwatig ng pagtulong. Kaya naman ngayon sa ikasampung anibersaryo ng Iwitness, naisipan ng grupo ni Kara David na balikan ang pamilya Flores para idokyu ang magagawa ng mga tulong para sa ikabubuti ng buhay ng pamilyang ito Binantayan ng team ang progreso ng kalusugan, pamumuhay, pabahay at pagkain ng pamilyang ito ayon sa mga donasyon na natanggap. Regular ang bigay ng bigas, vitamins, gatas at gamot sa pamilya sa loob ng 3 buwan. Linggo-linggo sinusukat ang timbang ng mga bata at tinitingnan kung may pagbabago. Makalipas ang 3 buwan, Si Sam na dating 3.9kilos ay 6 kilos na ngayon. Si Sander mula 8.5k umabot sa 12k, at si Samson na dating 12k ay dumagdag ng 5 kilo. May pagbabago na rin sa kanilang tirahan. Kung dati’y walang palikuran, ngayon nakapagpagawa na sila ng banyo. Naipasemento na rin nila ang dating sahig na lupa. Sa ngayon, patuloy pa rin ang pag-inom ng gamot sa TB ang buong pamilya at baka sa Marso gumaling na silang lahat. Malaking bagay para sa isang palabas ang bawat reaksyon ng kaniyang mga manunuod. Nagkakaroon nga ng mas kabuluhan ang isang episode ng iwitness kung naiintindihan ito at nakakahikayat gumawa ng nararapat na solusyon sa bawat problema.