ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Pagyanig sa Tubig', dokumentaryo ni Kara David


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Pagyanig sa Tubig Dokumentaryo ni Kara David I-Witness, August 20, 2012 Halos 15 taon na ang nakalipas nang mabulag at maputulan ng mga kamay si Aladin, isang mangingisda sa Cebu. Ang biglaang pagkawala ng mga parte ng kanyang katawan sanhi rin ng akala niyang mabilisang paraan para kumita ng pera sa karagatan --- ang dynamite fishing. Matagal ng ipinagbabawal ang dynamite fishing. Nauubos kasi ang isda at nasisira ang karagatan.  Pero makalipas ang mahigit isang dekada marami pa ring naputol ang mga pangarap dahil sa iligal na gawaing ito. Sa parehong lugar, nakilala namin ang magkapatid na si Allan at Mark, 24 at 15 taong gulang. Anak sila ng mangingisda na naputulan din ng kamay.  Kahit na naging saksi sa kapalaran ng kanilang ama, patuloy pa rin sila sa pagdidinamita. At sa kanilang batang mga edad sila na mismo ang gumagawa ng dinamita o 'binayo'. Ngayon Lunes, samahan si Kara David na silipin ang buhay ng mga batang nangingisda gamit ang dinamita.  'Pagyanig sa Tubig', dokumentaryo ni Kara David, Lunes ng gabi pagkatapos ng Saksi.
---
Almost 15 years ago, Aldin, a fisherman in Cebu, met an unfortunate accident.   What he first thought was easy money when he ventured into dynamite fishing came with a very steep price: he lost both his eyesight and arms. Dynamite fishing has long been prohibited due to safety issues and its ill effects on marine life.  But until now, many continue to lose limbs as a result of this illegal activity. Still in the same area in Cebu, we met 24 year-old Mark and his 15 year-old brother, Allan. Their father was a fisherman who also lost a limb because of dynamite fishing.  Despite witnessing the fate that has befallen their father, they continue this dangerous fishing practice and even make their own explosives. This Monday, join Kara David as she looks into the lives of young dynamite fishermen in Cebu.  'Pagyanig sa Tubig' airs this Monday after Saksi.