ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Ang Misteryo ng Kamhantik,' ang bagong dokumentaryo ni Kara David


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
“ANG MISTERYO NG KAMHANTIK”
Dokumentaryo ni Kara David
February 18, 2013

Sa tuktok ng Bondoc Peninsula, may mga nadiskubreng bato na maaaring magbago ng buhay sa maliit na bayan ng Mulanay, Quezon. Ang bundok na dati’y kilala sa mga engkanto at mga rebeldeng di umano’y nagtatago dito ay siya ngayong kinalalagyan ng mga misteryosong kwadradong bato. Ano ang mga istrukturang ito? At ano ang magiging papel nito sa ating kasaysayan?
 
Samahan si Kara David sa bundok Kamhantik kung saan ang mga bato ng nakaraan ay naghihintay ng kasagutan.
 
Mapapanood ngayong Lunes, sa I-Witness, “Ang Misteryo ng Kamhantik”, pagkatapos ng Saksi.
Tags: plug