ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Tonight on 'I-Witness:' Kara David's 'Ba-Be-Bi-BOTO'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ba-Be-Bi-BOTO
I-Witness: Kara David
April 22, 2013
B...Ba...Ba-sa. Maraming mga Aeta ng Zambales ang hindi marunong magbasa.
Para sa kanila, ang ibig sabihin ng pagboto ay ang pagmarka ng kanilang hinlalaki,
ang paglagay ng kanilang thumbmark. Hindi nila alam basahin ang pangalan ng mga
kandidato sa eleksyon...maging ang pangalang isinulat ng "assistant" sa kanilang
balota. "No read, no write", mangmang at walang boses na boto kung sila ay ituring.
Sa ilalim ng puno, unti-unting nakikilala ng mga Aeta ang alpabeto. Matiyaga
ang kanilang gurong si Malou--- isang Aeta na nagmumula pa (at nagtuturo din sa
mga Aetas) sa Porac,Pampanga. Tuwing Sabado naglalakbay siya sa Sitio Malipano,
sa bundok sa pagitan ng Bataan at Zambales, para sa espesyal nilang klase. May
pakiusap sa kanya ang mga nakakatandang katutubo: ang ihanda sila para sa
darating na eleksyon, ang mapabilang sila sa mga botanteng hindi nabibili at
naloloko. Matupad kaya ito?
Ang "Ba-Be-Bi-BOTO" ay ang ikalawang dokumentaryo ng I-Witness tungkol
sa mga Pilipinong botante. Samahan si Kara David at ang mga katutubong Aeta sa
kanilang aralin ngayong Lunes, April 22, 2013, pagkatapos ng Saksi.
English version
For many Aetas, to vote means to put their thumbmark on a ballot. It doesn't
mean they can read and choose from the candidates' names. It doesn't mean they
understand what their "assistant" wrote on their ballot. It only means theirs are the
votes with no voice--a muted and abused position for "no read, no write" Filipinos.
But the elderly Aetas of Sitio Malipano, Zambales now want to be heard.
Under the shade of a tree, they are slowly learning the alphabet, reciting what their
grandchildren have learned ahead of them. Malou, an Aeta teacher from Porac,
Pampanga, travels far from her hometown to give adult education in the sitio. Will
they be ready for this coming May's election?
"Ba-be-bi-BOTO" is second of the I-Witness documentaries on Filipino voters.
Catch Kara David and the Aetas of Sitio Malipano in their class this Monday, April
22,2013 after Saksi.
Tags: plug
More Videos
Most Popular