ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Mga Anak ng Pugad Lawin,' dokumentaryo ni Kara David ngayong Sabado sa GMA


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


"Mga Anak ng Pugad Lawin"

 
Sa isang purok sa Camarines Norte, may panganib sa buhay ng mga bata. Iba ang lamlam ng kanilang mga mata. May pagsusumamo sa bawat pagdaing nila. Dito, ang magulang ang nauulila ng anak. Pugad Lawin kung ito’y tawagin. Ito’y pugad ng mga batang malnourished.
 
Dalawang taon na si Princess Carullo, ngunit pang-sanggol ang kanyang timbang. Aminado ang kanyang mga magulang na kulang ang pagkain para sa kanilang pamilya. Kahit pumalaot ang amang si Rodel, nagpapang-abot ang mga gastusin at bayarin. Kung minsan nga, sa putik naghahanap ng pangkain ang nanay ni Princess. Pangingisda ang kabuhayan ng karamihan sa Pugad Lawin; ngunit gaano man kalawak ang dagat, may hangganan sa kanilang biyaya.
 
Matumal din ang kita para sa mga magulang ni Ashley Lazado: isang talangka ang pinagsasaluhan nilang tatlong magkakapatid. Mahina na ang patpating si Ashley. Sa edad na limang taon, kailangan siyang buhatin ng ina dahil hindi niya kayang maglakad papunta sa paaralan.
 
Ano ang nangyari sa mga anak ng Puigad Lawin? Bakit tumataas ang malnutrisyon dito? Ngayong Sabado sa I-Witness, samahan si Kara David na kilalanin ang mga  “Mga Anak ng Pugad Lawin”.
 
Mapapanood ang dokumentaryo sa GMA 7, August 2, 2014, 10:30 PM, pagkatapos ng Celebrity Bluff. Para sa mga komento, i-tweet si Kara David, @karadavid at ang I-Witness, @IWitnessGMA.
 
 
"The Children of Pugad Lawin"  
In a Camarines Norte community, children’s lives are in danger. Their eyes are gloomy, their shrills begging. Here, a mother is orphaned by her child. They call the community, Pugad Lawin: it is home to malnourished children.
 
Princess Carullo is two years old, but she weighs like an infant. Her parents know that they don’t have enough food for the family. And even if her father Rodel goes fishing at sea, their expenses and obligations are unending. Sometimes, her mother scours the nearby muddy fishpond, looking for shells that can feed the family. Fishing is the main livelihood in Pugad Lawin; but no matter how vast the Pacific Ocean is, there are limits to their earnings.
 
It is an equally hard time for Ashley Lazado’s parents: a piece of crablet is what the three children share. Ashley is weak. At the age of five, her mother has to carry her bone thin, fragile body to school.
 
What happened to the children of Pugad Lawin? Why is malnutrition on the rise here? Join Kara David in meeting “The Children of Pugad Lawin” on GMA 7 this Saturday, August 2, 2014, at 10:30 PM, after Celebrity Bluff. For comments, tweet Kara David, @karadavid and I-Witness, @IWitnessGMA.
Tags: plug