ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Mga Pinay DH na street photographer din sa Hong Kong, tampok sa 'I-Witness'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


“PHOTOGRAPHER.DH”
Dokumentaryo ni Howie Severino
October 11, 2014
Nagtungo si Howie Severino at ang kaniyang grupo sa Hong Kong sa kasagsagan ng mga kilos protestang ipinaglalaban ang demokrasya sa lungsod. Kabilang sa mga kumukuha ng mga larawan sa pagkilos na ito ang mahiyain at bata pang Pinay na mabilis nakalikha ng pangalan sa larangan ng potograpiya.
Matapos libutin ang mga kalye ng lungsod kasama ang kaniyang kamera gabi-gabi, umuuwi ang dalawampu’t pitong taong gulang na si Xyza Bacani sa kaniyang trabaho bilang isang domestic helper at yaya.
Isa lamang si Xyza sa higit sa 150,000 na Pinay DH sa Hong Kong. ‘Ani mo’y doble-kara ang kaniyang buhay—isang masipag na kasambay at isang sumisikat na street photographer na may mga mapagpalayang mga larawan.
Hindi nag-iisa si Xyza. Nakilala nina Howie at ng kaniyang grupo ang iba pang mga domestic helper na kumakawala sa simple’t paulit-ulit na buhay sa pamamagitan ng pagkuha ng mga larawang sumasalamin sa kani-kanilang mga natatagong mithiin sa buhay.

Isa sa mga kumilala sa kanilang mga likha ay si Rick Rocamora, isang kilalang documentary photographer sa loob at labas ng bansa. Nakilala ni Rick si Xyza at ang kaniyang mga larawan sa pamamagitan ng internet. At mula doon, ipinakilala niya ang talento ni Xyza sa New York Times at sa iba pang mga midya sa mundo.
May sariling mundong ginagalawan si Rick at ang kaniyang lente—ang Quiapo at ang makukulay nitong mga karakter. Sa pamamagitan ng internet, naging konektado ang mundo nina Rick at Xyza. Sa pamamagitan ni Rick, nalaman ni Howie ang tungkol sa mga natatanging obra ni Xyza kaya naman binisita niya ito sa Hong Kong upang saksihan at idokumento ang umbrella revolution kasama ang DH litratista.
Mapapanood ang "Photographer.DH," dokumentaryo ni Howie G. Severino, ngayong Sabado, Oktubre 11, 2014, sa I-Witness, 10:30 ng gabi, pagkatapos ng Celebrity Bluff sa GMA.
Mapapanood ang "Photographer.DH," dokumentaryo ni Howie G. Severino, ngayong Sabado, Oktubre 11, 2014, sa I-Witness, 10:30 ng gabi, pagkatapos ng Celebrity Bluff sa GMA.
More Videos
Most Popular