ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Alagang Peste,' dokumentaryo ni Kara David, tampok sa 'I-Witness'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

“ALAGANG PESTE”
Dokumentaryo ni Kara David
Airing date: February 8, 2014
Pinandidirihan at kinakatakutan: marumi, mabagsik, nagdadala ng sakit. Sila’y mga pesteng mabilis dumami--- ang mga daga… mga pesteng namumuhay sa ating paligid.
Sa Vitas, Tondo, Manila, ang mga daga ay parte ng pang-araw araw na buhay. Kaaway man kung ituring ng mga tahanan, hindi sila mailap sa tao. Sa katunayan, ang mga tao ang umiiwas sa daga, takot kasi silang makagat ng peste sa kanilang paghimbing.
Samantala, sa bukid ng Luna, Isabela, iniiwasan ng mga daga ang mga magkakapatid na Luyon. Mabilis at walang patawad, hinuhuli nila ang mga dagang kumakain ng kanilang mga namumungang palay. Hindi lamang ito tulong sa kanilang mga nanganganib na ani. Ang mga nahuling daga ay kanilang pagkain din.
Ang “Alagang Peste” ay dokumentaryo ni Kara David sa bagong timeslot ng I-Witness. Mapapanood ito ngayong Sabado, January 3, 10:30 pm, pagkatapos ng Celebrity Bluff. Para sa mga komento, magtweet kay @karadavid at @IWitnessGMA, #chatwithkara.
Tags: prstory
More Videos
Most Popular