'Ang Babae sa Balon,' dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo, ngayong Sabado sa 'I-Witness'


“ANG BABAE SA BALON”
Dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo
November 28, 2015
Pagbaba pa lang sa istasyon ng tren sa bayan ng Himeji sa Japan, bubulaga agad sa iyo ang Himeji Castle. Ang puting kastilyong ito na nakatayo sa gitna ng bayan ay tila inaakit kang pasukin siya. Sa katunayan, maraming turista mula sa iba’t ibang bayan sa Japan at maging sa ibang parte ng mundo ang dumadalaw dito. Marami kasing kuwento ng kababalaghan ang umiikot sa napakagandang kastilyong ito—mga kuwentong daan-daang taon nang nagpasalin-salin at tila nabaon na kamalayan ng mga Hapon.
Isa sa pinakasikat na kuwento ay ang malagim na sinapit ng isang dalaga na naninilbihan sa kastilyo. Nang malaman ni Okiku ang planong patayin ang panginoon ng kastilyo, sinabi niya ito at nailigtas ang amo. Pero binalikan si Okiku ng mga kalaban at pinagbintangan siyang nagnakaw ng mamahaling plato sa kastilyo. Pinahirapan at inihulog sa balon ang dalaga. Kuwento ng ilan, minsan mula sa balon, naririnig pa rin ang boses ni Okiku na nagbibilang ng plato.
Ang balon na ito ay makikita sa likod ng Himeji Castle at ang dalagang si Okiku ang sinasabing naging inspirasyon sa karakter ni Sadako. Si Sadako na hango sa pelikulang “Ringu” na marahil ang pinaka-sikat na karakter sa Japanese horror.
Ngayong Sabado sa I-Witness, papasukin ni Sandra Aguinaldo ang Himeji Castle - ang most haunted castle sa Japan para alamin ang kuwento ng “Babae sa Balon.”

English version:
As soon as you get off the train station in Himeji, Japan, an imposing white castle is what will greet you. Standing right in the middle of the town, it is impossible to ignore the beautiful Himeji castle. In fact, many tourists have been lured into this castle, not just by its beauty, but also by the many mysterious stories that surround it. These stories have been passed down from generation to generation… and for hundreds of years, have continued to haunt and fascinated the Japanese people.
One of the most famous stories that surround Himeji castle is the tragic story of the woman servant Okiku in the castle. When Okiku found out about the plot to assassinate the lord of the castle, she revealed the scheme and the lord was saved. But the enemy took revenge and accused her of stealing a royal plate. She was tortured and dropped into the well. To this day, people claim that they hear a woman’s voice counting plates coming from the well.
Okiku’s well, as it is now known, still exists at the back of Himeji castle, and Okiku is believed to be the inspiration for the character Sadako. Sadako, from the movie “Ringu” is arguably the most famous character among Japanese horror movies.
This Saturday on I-Witness, Sandra Aguinaldo enters the most haunted castle in Japan to get to know the story of the woman from the well. “Babae sa Balon” airs on GMA, after Celebrity Bluff.