ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Isang Taong Paglalakbay,' dokumentaryo ni Kara David


"I-WITNESS: ISANG TAONG PAGLALAKBAY”
Dokumentaryo ni Kara David
January 2, 2016

May aral sa bawat paglakbay.

Sa taong 2015, iba’t ibang adventure ang ibinahagi ni Kara David sa mga manonood ng I-Witness. Sinisid niya ang dagat para sa mga banagan o lobsters ng Cagayan at nawala sa mga nakakalitong yungib ng Cebu, kasama ang ilang treasure hunters. Sa Bicol, sumabay siya sa agos ng ilog at mga talon ng bundok ng Isarog habang sa Indonesia, ang nakasusulasok na lawa ng asupre ng Kawah Ijen ang hinarap niya at ng kanyang team. 

Ngunit higit pa sa mga kakaibang karanasan na ito, nasaksihan ni Kara David ang iba't ibang mukha ng tapang at malasakit ng mga Pilipino. Kahanga-hanga ang pagtutulungan ng pamilyang Liwanag--- gaano man kahirap ang magbuhat ng kawayan, lahat ay nagsisikap upang makapag-aral ang mga bata. Sa Mindoro, matiyaga si Titser Annie na nagtuturo at tumutulong sa mga batang Mangyan, malayo sa piling ng kanyang pamilya. 

Ang inosenteng ngiti ng batang balau na si Dizza, na sa pangunguha ng dagta ay nagtataguyod para sa mga naulilang kapatid, ay sadyang tumatak din sa mga manonood ng I-Witness. Hindi rin malilimutan ang pagsunod ni Kara David sa Santo Papa noong ito'y bumisita sa Pilipinas. Nasaksihan niya ang biyaya ng pananalig, mapabata man o matanda, mayaman o mahirap, malaya man o nakabilanggo. Sa taong 2015, patuloy ang I-Witness na naging saksi sa angking kapangyarihan ng kabutihang loob ng tao.

Magbalik-tanaw sa taong 2015 at panoorin ang “I-Witness: Isang Taon ng Paglalakbay". Ang dokumentaryong ito ni Kara David ay mapapanood ngayong Sabado (January 2, 2016) sa GMA 7, pagkatapos ng Celebrity Bluff. Bisitahin ang official I-Witness Facebook Account: IWitnessGMA para sa mga litrato ng pinakabagong dokumentaryo ng I-Witness Team Kara. Para sa mga komento, i-tweet si Kara David, @karadavid at I-Witness, @IWitnessGMA.

Tags: plug, pr, prstory, iwitness