Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Climate Justice,' dokumentaryo ni Howie Severino ngayong Sabado sa 'I-Witness'


“CLIMATE JUSTICE!”
Dokumentaryo ni Howie Severino
April 2, 2016, pagkatapos ng "Magpakailanman"

 

 

 
Matagal nang napatunayan ng mga siyentipiko ang pagbabago ng klima o climate change ng planeta. Gawa ng tao ang pagbabagong ito sa klima at buhay ng tao ang kapalit ng epekto ng climate change.

Kaya naman noong nakaraang Setyembre, sinimulan ng magkapatid na Yeb at AG Saño ang isang natatanging paglalakbay mula Italy hanggang France para ikalat ang isang mahalagang mensahe: ang climate justice o ang paghingi ng hustisya para sa mga naging biktima ng epekto ng pagbabago ng klima.

Inabot ng 1,500 km at 59 araw ang kanilang paglalakad na tinawag nilang People's Pilgrimage. Dala-dala nila ang mga kwento ng mga sinalanta ng bagyong Yolanda sa Leyte noong 2013, kabilang na ang isang kaibigan nilang na nasawi, ang artist na si Agit. Ang kanilang destinasyon: ang lungsod ng Paris kung saan nakatakdang ganapin ang pinakamahalagang pagpupulong ng mga bansa sa kasaysayan, ang Conference of Parties of COP 21.

Nakasalalay ang kinabukasan ng planet sa pagtitipong ito na nanganib hindi matuloy bunsod nang pagpapasabog ng mga terorista sa iba't ibang bahagi ng Paris dalawang linggo bago ang simula ng COP 21.

Mula Paris hanggang Tacloban, sinundan ng documentary team ni Howie Severino ang panawagan na naglalayon ipahiwatig na hindi lang kalikasan kundi buhay ng tao ang nakataya sa climate change.

English version:

The brothers Saño, whose family roots are in Leyte, came to Paris to paint a mural portraying their close friend Agit who was killed by supertyphoon Yolanda in Tacloban. He became an international symbol of all the victims of extreme weather caused by climate change.

Before reaching Paris, the brothers walked as pilgrims across Europe, crossing mountains and rivers, to deliver a message to the leaders gathering in the French capital. Joining other activists from around the world, they demanded not just action but justice.

It was a meeting that almost did not happen, coming as it did just two weeks after the terrorist attacks on Paris and as police cracked down on activists.

Howie Severino and his documentary team give human faces to the crisis of climate change, from the Paris mural to the climate justice activists to the heads of state who compromised for the good of the planet. This documentary explains the climate change through the prism of both heart-breaking and uplifting human experiences.

From Paris the documentarists revisit Tacloban to deliver their own message and a unique memento for the loved ones Agit left behind.