ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

#IWitness16: 'Pag-ibig sa Panahon ng Digmaan,' dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo


 

 

 

"Pag-ibig sa Panahon ng Digmaan"

Dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo

Abril 23, 2016

Makalipas ang mahigit 70 taon, buhay na buhay pa rin ang isang kuwento ng pag-ibigan sa Vigan.  Isa itong kuwentong nakapagpakilig sa mga taga-roon at naisalin-salin na ng ilang henerasyon.

Nagsisimula ang kuwento noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig nang magmahalan ang isang Pilipina at isang sundalong Hapon. Sinuway ng kanilang pag-iibigan ang mga kaugaliang panlipunan noon at bumuo rin ng kuwento ng sabwatan para mailigtas hindi lang ang isang pamilya kundi isang buong bayan.

Noong panahon ng giyera mula 1941 hanggang 1945, nanirahan sa Vigan ang mag-asawang Adela Tolentino at Captain Fujiro Takahashi kasama ang dalawa nilang anak na babae. Pinamunuan ni Captain Takahashi ang kinatatakutan at malupit na Kempetai, ang tinaguriang military police ng hukbong katihan ng Hapon. Nang papalapit na ang puwersa ng mga Amerikano sa Norte, napilitang umatras si Captain Takahashi sa Mountain Province kung saan naroon ang huling puwersa ng mga nga Hapon.  Kinailangan niyang iwan ang asawa at mga anak sa Vigan, sa pangngalaga ng isang paring Aleman. Marahil ito ay isang mapait na pagpapaalam dahil walang kasiguruhang magkikita pa silang muli. Pero tahimik na iniwan ni Captain Takahashi at ng mga sundalong Hapon ang Vigan, ibang iba sa sinapit ng maraming bayan sa Pilipinas kung saan sinisira at sinusunog ang lahat sa kanilang paglisan. Dahil sa kanilang pag-alis, hindi rin na bomba ng mga sundalong Amerikano ang Vigan.  Marami ang naniniwalang nailigtas ang Vigan mula sa pagkasira dahil sa pagmamahal ni Captain Takahashi kay Adela at kanilang mga anak.

Ilang dekada na ang lumipas, nakatayo pa rin ang Vigan at kitang-kita pa rin ang mga bakas ng 400 taong kasaysayan nito. Noong nakaraang taon, nakamit ng Vigan ang titolong 7 New Wonder Cities of the World bilang isang pinakamagandang ehemplo ng isang kolonial na bayan ng mga Espanol. Ang Vigan din ang nag-iisang UNESCO World Heritage City sa buong bansa.

Ngayong Sabado sa I-Witness, lilibutin ni Sandra Aguinaldo ang makasaysayang lungsod at matutuklasang hindi iisa ang kuwento ng pag-ibig ang pinaniniwalaang nagligtas sa Vigan mula sa pagkasira. Abangan ang “Pag-ibig sa Panahon ng Digmaan” sa GMA-7, pagkatapos ng Magpakailanman.

English version:

In Vigan, there is a love story that has stood the test of time. A story that for more than 70 years, has fascinated the locals and has been passed down for generations.

Against the backdrop of World War 2, the love story unfolds between a Filipina and a Japanese Imperial officer.  It tells of tales of romance that defied social norms and conspiracies to save not just a family but a whole city.

During the Japanese occupation from 1941-1945, Captain Fujiro Takahashi and Adela Tolentino lived in Vigan with their two young daughters. Captain Takahashi headed the dreaded Kempeitai - the cruel military police of the Japanese army. As liberation loomed, Captain Takahashi is forced to retreat to the Mountain Province, the last stronghold of the Japanese forces.  He had no choice but to leave his family in Vigan, in the care of a German priest. It must have been a bittersweet goodbye, with no assurance of them ever seeing each other again.  Amazingly, Captain Takahashi, contrary to the Japanese pattern of burning and destroying cities as they leave, quietly and gently vacates Vigan. He and his army also leaves in time to spare the city from bombing. It is believed that Captain Takahashi did this out of love for Adela and his two daughters.

Many decades later, Vigan still stands proud, having preserved its 400-year history.  Last year, Vigan was awarded as one of the 7 New Wonder Cities of the World for being the best-preserved example of a planned Spanish colonial town in Asia. It is also the only UNESCO World Heritage City in the whole country.

This Saturday in I-Witness, Sandra Aguinaldo explores the historic city of Vigan and discovers there may be more than one love story that may have saved the city from destruction. “Pag-ibig sa panahon ng digmaan” airs on GMA-7, after Magpakailanman.

Tags: plug, pr, iwitness