'MANDIRIGMA NG KALSADA,' dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo ngayong Sabado sa I-Witness
“MANDIRIGMA NG KALSADA”
Dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo
October 15, 2016

The working class Filipino now spends a sizeable amount of time getting stuck in traffic. Stories of three- to four-hour commutes to work abound. In a study by the Japan International Cooperation Agency in 2012, it was determined that 2.4 billion pesos is lost from the economy everyday due to the traffic crisis.
The current administration is now seeking emergency powers to alleviate the traffic congestion. Proposals by the Department of Transportation are now being presented in Congress which has yet to grant the request.
EDSA is overflowing with public and private vehicles. Those who do not want to get stuck in traffic, opt for the long queues at the LRT or the MRT. While others brave chasing buses and jeeps with other urban warriors just to get a ride.
In her frustration, Jaycel Navelino, a mom who lives in Antipolo City and works in Makati, wrote a letter to the DOTR appealing for help. She leaves home at dawn but it still takes her more than 3 hours to get to work. Twice a week, she arrives late at work. She says she is now contemplating leaving the career that took her 11 years to build.
How did we arrive at this nightmarish situation? Is there still a solution to our country’s monstrous traffic problem?
This Saturday on I-Witness, Sandra Aguinaldo journeys with Manila’s urban warriors on “Mandirigma ng Kalsada”, after Superstar Duets in GMA.
Filipino version:
Takbuhan, siksikan, gitgitan…pagkatapos, maiipit ka sa matinding trapik! Ito ba ang kalbaryo mo araw-araw?
Hindi na bago ang mga kuwentong may mga inaabot ng tatlo hanggang apat na oras sa biyahe papunta ng trabaho. Sa isang pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency noong 2012, umaabot sa 2.4 billion pesos ang nawawala sa ekonomiya araw-araw dahil sa problema sa traffic.
Ang kasalukuyang administrasyon, humihingi na nga ng emergency powers para maipatupad ang mga solusyon sa problemang ito. Pero sa ngayon, dinidinig pa sa Kongreso ang mga panukalang iprinisinta ng Department of Transportation.
Ang EDSA, nag-uumapaw sa mga pampubliko at pribadong sasakyan. Ang mga commuter na ayaw maipit sa matinding trapik, nagsisiksikan at nagtitiyaga sa napakahabang pila ng MRT at LRT. Ang iba pa nga, nakikipagbuno sa ibang commuter, makasakay lang sa bus o jeep.
Si Jaycel Navelino, isang ina na nakatira sa Antipolo City at nagtatrabaho sa isang opisina sa Makati, sumulat na ng mga hinaing sa DOTR dahil sa hirap na pinagdaraanan niya araw-araw para lang makarating sa trabaho. Madilim pa ang langit tuwing umaalis sa bahay pero inaabot pa rin ng mahigit tatlong oras bago makarating. Dalawang beses sa isang linggo, late siya. Pinagiisipan na nga raw siyang iwan ang karir na labing isang taon niyang pinaghirapan.
Paano tayo umabot sa ganito? Nawala na nga ba ang dignidad ng pagbiyahe? May solusyon pa ba ang krisis ng trapik sa bansa?
Ngayong Sabado sa I-Witness, sasabay si Sandra Aguinaldo sa mga Mandirigma ng Kalsada, pagkatapos ng Superstar Duets sa GMA.