ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'BOUNTY HUNTER,' dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo ngayong Sabado sa I-Witness


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

“BOUNTY HUNTER”
Dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo
Nov. 19, 2016

Saan man magtago, gaano man kalayo at gaano man kadugo, basta’t may presyo sa ulo, mahuhuli at mahuhuli pa rin.

Sila ang kilabot ng mga wanted—ang bounty hunters.

 


Si Ed, di niya tunay na pangalan, minsan pinangarap maging pulis. Pero dahil sa kahirapan, hindi nakapagtapos. Dahil ang ama ay dating sundalo, nagkrus ang kanilang landas ng isang opisyal ng pulisya na siyang naging daan niya para siya’y maging bounty hunter. Kuwento niya, nagpapanggap siya minsan na magbobote o nagtitinda ng DVD makakuha lang ng impormasyon. Mas madali raw kasing nakapapasok sa isang lugar ang mga taong tulad niya.

Si “Jeff” naman ay mahigit dalawampung taon nang bounty hunter at nasa libo na raw ang napahuli. May naipundar na rin siyang bahay, mga sasakyan at negosyo mula sa inipong pabuya. Tanggap niyang may mga nagbabanta sa kanyang buhay dahil kaakibat ito ng trabaho ng isang bounty hunter. Gayunpaman, hindi niya kayang pigilan ang mga luha tuwing naaalala ang mga kasamahang “asset” na nagbuwis ng buhay sa ganitong trabaho.

Tuwing naibabalita ang mga wanted na nahuhuli, napapangiti na lang daw si “Jeff” dahil hindi man siya maaring lumatad sa tao, alam naman daw niya ang naging kontribusyon niya sa paglutas ng kaso.

Marahil sapat na ang perang natatanggap mula sa pabuya dahil ang mga bounty hunter gumagalaw sa mundong nababalot ng misteryo…mga aninong kumikilos sa dilim, hindi kailanman maaring lumantad, kahit sa banta ng kamatayan.

Pasukin ang mundo ng mga bounty hunter kasama si Sandra Aguinaldo ngayong Sabado, sa I-Witness, pagkatapos ng Superstar Duets sa GMA.