'Sa Kanlungan ng Musika,' dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo ngayong Sabado sa I-Witness
“SA KANLUNGAN NG MUSIKA”
Dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo
January 21, 2017

Once in your life, someone comes to make you ask yourself, have I lived my life to the fullest? Have I done enough for others? Have I made a difference?
Such is the effect of 82 year-old music teacher Celeste Sanchez on people she meets.
Teacher Celeste graduated with a degree in Music from St. Scholastica’s College, majoring in piano. At a very young age, she seemed destined to teach music, not just to ordinary students, but to people with disabilities. As a child, she was drawn to the piano, but having no instrument of her own, her parents looked for a home that had one so she could practice. They found a neighbor who allowed her to use their piano. One day, as she was playing, she saw a hairy child peeking through the window, secretly listening to her play. She soon found out that that kid is the neighbor’s child with intellectual disability whom they have kept away from the public eye.
Many years later, with a music degree under her belt, she was invited to teach music to 40 blind students. Having no experience teaching people with disabilities, she took on this Herculean task and was successful. She discovered that music is not just entertainment, but also has the ability to heal. It’s a universal language that knows no boundaries, age, or intellectual ability. It can speak to anyone and everyone. From then on, she has made music therapy her advocacy, and she has been doing this for 40 years, never charging her students a single centavo.
In Caritas Manila, her students’ condition varies—from cerebral palsy, to intellectual disability, to visual impairment. Many of them arrive in her class bound to a wheelchair. But despite their condition, once the music plays, you see a spark in their eyes, twisted limbs start to move to the beat, and once in a while, a glimmer of a smile. But no smile is bigger than that of an old lady whose heart is overflowing with love for these children whom most people have given up on.
This Saturday on I-Witness, Sandra Aguinaldo tells the story of this inspiring lady and how she is changing the lives of others one note at a time. I-Witness airs after Kapuso Movie Night on GMA 7.
FILIPINO VERSION:
Minsan sa buhay mo, may mga taong dumarating na mapapaisip ka kung nasulit mo na ang buhay mo? Sapat na ba ang nagawa mo para sa iba? May nai-ambag ka na ba sa pagbabago?
Ganyan ang epekto ng 82 taong gulang na music teacher na si Celeste Sanchez sa mga taong nakakasalamuha niya.
Nagtapos siya sa St. Scholastica’s Conservatory of Music na may pagsasanay sa piano. Mula pagkabata, tila kapalaran na niyang magturo di lang sa mga ordinaryong estudyante, kundi sa mga may espesyal na pangangailangan. Noong bata pa siya, nahilig na siya sa pagtugtog ng piano, pero wala silang instrumento sa bahay. Nakahanap ang mga magulang niya ng piano sa kapitbahay at doon siya nag eensayo. Minsan, napansin niyang may isang batang balot sa makapal na buhok ang sumisilip sa bintana at palihim na nakikinig sa kanyanang pagtugtog. Kalaunan, nalaman niyang anak ito ng may-ari ng bahay at mayroon itong intellectual disability. Itinatago pala ito ng kaniyang mga magulang dahil sa kanyang kondisyon.
Makalipas ang ilang taon, naimbita siyang magturo ng musika sa 40 bulag na estudyante. Kahit pa walang karanasan sa pagtuturo sa mga may kapansanan, hinarap niya ang malaking hamon na ito at nagtagumpay naman siya. Dito niya natuklasan na ang musika ay hindi lamang nagbibigay aliw. Isa rin itong terapiya. Isa itong unibersal na wika, hindi namimili ng edad o ng intelektual na abilidad. Kumakausap sa damdamin, kahit ano pa ang kalagayan mo. Mula noon, naging tagapagtaguyod siya ng music therapy para sa mga may kapansanan. Sa 40 taon niya itong ginagawa, hindi siya nanigil sa kanyang mga estudyante.
Sa Caritas Manila, halo-halo ang kondisyon ng mga estudyante - mayroong may cerebral palsy, intellectual disability at mayroon ding hindi nakaririnig o nakakakita. Marami ang dumarating ng naka wheelchair. Pero sa kabila ng kanilang kalagayan, kapag nagsimula na ang tugtugan, makikitang nabubuhayan ang kanilang mga mata, ang mga pilipit na braso at paa kumkumpas sa musika, at minsan, may masisilayan kang ngiti sa kanilang mukha. Pero ang pinakamalaking ngiti ay galing sa isang guro na nag uumapaw ng saya at pagmamahal sa mga taong tinalikuran na ng karamihan.
Ngayong Sabado sa I-Witness kikilalanin ni Sandra Aguinaldo si Teacher Celeste at aalamin kung paano niya binabago ang buhay ng kanyang mga estudyante sa pamamagitan ng musika. Ang I-Witness ay mapapanood pagkatapos ng Kapuso Movie Night sa GMA 7.