'Extra: Kisap Sikat,' dokumentaryo ni Micaela Papa ngayong Sabado sa I-Witness
"EXTRA: KISAP SIKAT"
Dokumentaryo ni Micaela Papa
Feb. 18, 2017
The phrase “15 minutes of fame” was derived from an Andy Warhol quote, which means a short-lived publicity or celebrity status.
But in the world of showbiz, some people don’t even get their 15 minutes of fame. Some people make do with just a few seconds. They are the “extras”.

Ruby Banadera is aware that to appear on TV or the movies, looks matter. Now 32, she has undergone cosmetic surgery to improve her looks from getting a nose job to breast enhancement. She works out, regularly sees a dermatologist and maintains her skin by taking glutathione pills. She claims to have invested around P400,000 on her enhancements… only to appear on tv for a few seconds. The truth is, she has not received a role yet. She has never delivered a speaking line. She is often cast as a part of the crowd.

Arnie Adriano on the other hand, has become a regular talent, often cast as a priest or a policeman. He has taken these small roles to heart, buying his own costumes and talking to real priests and policemen to study how they talk. He is not choosy he says, sometimes accepting long hours of work for P300 because for him, to appear on tv is a childhood dream come true.
People like Ruby and Arnie have made sacrifices to pursue their dreams. Their days sometimes start at 2 am and often ends way into the night. Viewers only see them as bodies that filled the frame in their tv sets. People will never know their names. But their passion to act and be famous continue to drive them.
This Saturday, Micaela Papa gets on set to get to know the people standing behind the big stars. I-Witness airs after Full House Tonight on GMA.
FILIPINO VERSION:
Madalas nating marining ang katagang “15 minutes of fame” o labinlimang minutong kasikatan na nanggaling sa artist na si Andy Warhol na ang ibig sabihin ay panandaliang kasikatan.
Pero sa mundo ng showbiz, may mga taong hindi nakukuha ang kanilang labinlimang minutong kasikatan. Ang iba, nagtitiyaga sa ilang segundo lamang. Sila ang mga manlalabas.
Alam ni Ruby Banadera na mahalaga ang itsura para lumabas sa telebisyon. 32 years old na siya ngayon at dumaan na sa iba’t ibang operasyon tulad ng pagpapatangos ng ilong at pagpapalaki ng dibdib. Regular din siyang nagwowork-out sa gym, pupunta sa dermatologist at umiinom ng glutathione para pumuti. Umabot na sa P400,000 and nagastos niya sa pagpapaganda para lumabas sa telebisyon ng ilang segundo lamang. Ang totoo, wala pa siyang natatanggap na papel sa pag-arte. Hindi pa siya bumibitaw ng dialogue. Madalas lang siyang nakatayo sa likod bilang isa sa mga taumbayan sa set.
Si Arni Adriano naman ay isang regular na manalalabas, Madalas siyang napapanood bilang isang pari o pulis kaya bumili na nga siya ng sariling costume.Sineseryoso niya ang mga maliliit na papel na tulad nito at malimit na nagkikipag-usap sa totoong pari at pulis para mapag-aralan kung paano sila gumalaw at magsalita. Tinatanggap niya ang mga raket na ganito, kahit pa mahaba ang oras ng trabaho sa halagang P300 lang dahil para sa kanya ang paglabas sa tv ay katuparan ng isang pangarap mula pa sa pagkabata.
Ang mga manlalabas tulad nina Ruby at Arnie ay nagsasakripisyo para makamit ang kanilang mga pangarap. Minsan nagsisimula ang araw nila ng alas dos ng madaling araw at nagtatapos ng hatinggabi. Nakikita lamang sila ng mga nanood bilang mga katawang pumupuno sa eksena sa kanilang telebisyon. Marahil, hindi na nila malalaman ang kanilang mga pangalan. Pero ang pagmamahal sa pag-arte at ang inaasam na kasikatan ay patuloy na tumutulak sa kanila sa ganitong industriya.
Ngayong Sabado, dadalaw si Micaela Papa sa set para kilalanin ang mga manlalabas sa I-Witness, pagkatapos ng Full House Tonight sa GMA.